Panahon na para mag invest sa mga defense infrastrure ang Pilipinas sa mga teritoryo nito sa West Phl Sea.
May pangangailangan na rin na magtayo at magdevelop ng mga bago at permanenteng structures sa Kalayaan at Pag-asa islands sa West Phl Sea upang igiit ang presensiya ng Pilipinas sa disputed islands at mapigilan ang ginagawang pambu bully ng mga Chinese vessels sa mga barko ng Pilipinas.
Inihayag nina Bataan Rep. Geraldine Roman, Zambales Rep. Jefferson Khonghun, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, at Deputy Speaker and Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez na suportado nila si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa hakbang nito na magtayo ng maraming mga permanenteng structures sa mga Philippine-occupied island groups na makakatulong sa pagpapatrulya ng bansa sa teritoryo nito sa West Phl Sea at maging sa exclusive economic zone (EEZ).
Sinabi ni Roman na suportado niya si PBBM sa posisyon nito na kahit isang pulgada sa teritoryo ng Pilipinas ay hindi niya ito isusuko.
Siniguro ni Roman na ang Kongreso ay naka alalay para bigyang suporta kung ano man ang pangangailangan ng Executive para maproteksyunan ang territorial integrity ng bansa.
Inihayag din ni Rep. Khonghun na bukod sa patuloy na paghain ng diplomatic protest laban sa China kailangan na rin na i-develop ang mga structures at gawin na itong permanente sa Kalayaan at Pagasa island.
Dagdag pa ni Khonghun na hindi hahayaan ng gobyerno ang patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon naman kay Rep. Ortega bukod sa pagsasa ayos sa airports at seaports, dapat din idevelop ang isla para maging tourism and business destinations.
Para kay Deputy Speaker Jayjay Suarez mahalaga ang bilateral agreements sa ibang bansa para suportahan ang Pilipinas sa kinakaharap nitong isyu sa West Philippine Sea.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home