Isa
Pagpapaliwanagin ng House Committee on Public Order and Safety ang lahat ng regional directosr ng Philippine National Police o PNP kaugnay sa isyu ng talamak na ilegal na sugal sa bansa.
Sa pagdinig ng komite ngayong Lunes, isinalang ang House Resolution 1549 na akda ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo patungkol sa umano’y malalang ilegal na sugal sa CALABARZON region o Region 4-A.
Pero sa halip na ituon lamang ang atensyon sa Region 4-A, isinulong ni Tulfo na isama na ang lahat ng police regional director.
Kinatigan naman ito ang chairperson ng komite na si Sta. Rosa City Rep. San Fernandez.
Ayon kay Tulfo, nagpapatuloy ang operasyon ng ilegal na sugal dahil pinapayagan umano ito ng ng mga otoridad at mismong mga politiko.
Punto niya, hindi makakapag-operate ang isang ilegal na sugal ng walang pahintulot ng mga lokal na opisyal.
Kabilang sa tinukoy ni Tulfo ay ang “jueteng, loteng, at small town lottery o STL” na ginagamit na “front” para sa jueteng. Kaya bilang resulta, walang kinakita ang PAGCOR dahil sa kakumpitensya ang mga ilegal na sugal.
Sinabi naman ni Iligan Rep. Celso Regencia, dapat “tandem” at magkatugma ang lokal na pamahalaan at pulisya patungkol sa paglaban sa ilegal na sugal.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home