VAPES NA MAY HALONG MARIJUANA, SISIYASATIN NG MGA MAMBABATAS
Isinusulong ng mga mambabatas ngayong Miyerkules ang isang congressional inquiry sa paglaganap ng e-cigarettes o vapes na may halong marijuana, matapos na mamonitor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagdami nito sa buong bansa, sa isinagawa nilang mga anti-illegal drugs operations. Sa idinaos na pulong balitaan, sumang-ayon sina Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almarrio, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, at AKO BICOL Party-list Rep. Raul Angelo "Jil" Bongalon na labis na nakakabahala ang usapin na nangangailangan ng isang masusing pagsisiyasat ng Kongreso. Ayon kay Almario, ang mga Komite ng Kalusugan, Trade and Industry, at Dangerous Drugs ang mga maaaring manguna sa pagdaraos ng magkasanib na imbestigasyon sa usapin ng marijuana-filled vapes. Naniniwala rin siya na ang kaso ay hindi isolated. “Case in point, I believe it was the UK which has had reports of these substances being used, and more popularly now, in the countries that allow the medical use and consumption of marijuana, some companies have gone as far as to extract oils for them to be used in vape devices,” ayon kay Almario. Dahil sa mga impormasyon, ang mga nagpapatupad ng batas ay mahihikayat na repasuhin ang mga ginagawa sa labas ng bansa, upang makita nila nang malinaw kung ano ang dapat nilang makita sa bansa. Sinuportahan rin ni Adiong ang isinusulong na pagsisiyasat. “I will support that because I’m more concerned with illegal drug trafficking in the country. Nagiging creative na rin yung mga illegal drug traffickers. I really want Congress to dig deeper into this,” aniya. Nagbabala rin siya na posibleng sakyan ng mga illegal drug traffickers ang mga nauuso sa vape, “They see that (vape fad) as a good market to capitalize on, … kasi masyado na silang creative in order for them na makuha yung market and then increase their sale,” ani Adiong, at binanggit ang pangangailangan ng batas upang maparusahan ang mga sangkot sa pagmamanupaktura, pagbebenta at pag-aangkat marijuana-infused vapes sa bansa. Ayon kay Suarez, kailangang tiyakin sa bansa ang paglalatag ng wastong pangangalaga laban sa marijuana-filled vapes, at naalala ang mga pagdinig na idinaos sa panukala sa pagsasaligal ng medical cannabis. “The proliferation of laced vape with THC or with marijuana… just goes to show that we need to improve the safeguards so that hindi ma-abuse yung isang controlled substance dito sa ating bansa,” aniya. Sinusuportahan niya rin ang anumang imbestigasyon na gagawin ng Kamara, at nanawagan sa PDEA at iba pang mga ahensya at pangasiwaan na paigtingin at paunlarin ang kanilang mga mekanismo sa pag-iimbestiga, lalo na ang pagpasok ng nasabing substance sa bansa. “And of course, at the end, yung talagang dapat nakikita natin nasa likuran na sila ng rehas yung mga taong nasa likuran neto,” ani Suarez. Sinabi naman ni Bongalon na ang anumang imbestigasyon ay dapat na matukoy ang mga teknolohiyang ginagamit sa paglaganap ng marijuana-infused vapes. “We know that as technology advances, nagiging creative din ito pong mga illegal drug dealers natin in a way not to be identified or hindi po sila makikita agad na pinapasok nila sa vape and making it appear that this is just a usual e-cigaratte ano. So, this should serve as a reminder to everyone, especially to the youth, to the students, that the use of marijuana is still illegal. Although there are talks to amend the RA 9165 or the Dangerous Drugs Act, as amended, wherein there are talks to legalize the use of marijuana for medical purposes,” ayon kay Bongalon. Nanawagan si Ortega sa pag-aresto sa lahat ng responsable sa pagpapakalat ng marijuana-filled vapes sa bansa. “In Singapore… dinedemanda po yung mga kompanya na nagdi-distribute po ng ganyan. So I think with the investigation being referred to Congress as well, we can explore things like that para po yung mga kompanyang yan, kung ginagamit man sila para mag create ng mas modern ways of dealing with drugs, ay dapat po masampolan na talaga yung mga yon,” aniya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home