Friday, March 22, 2024

Kath

Hihingi na ng funding request ang DSWD sa DBM para maipatupad ang AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program.


Ito ang sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa mga mambabatas sa ipinatawag na briefing sa Kamara para estado ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng ahensya 


Nausisa kasi ang DSWD kung kailan maipapatupad ang AKAP matapos maantala dahil nahaluan ng politika at sinabing pinangsuhol umano para sa pagpapapirma sa People's Initiative.


Ayon kay Gatchalian, naka paskil na sa Official Gazette ang guidelines ng AKAP kaya naman makakahingi na sila ng pondo para dito sa DBM.


Ang AKAP ay isang financial aid program para tulungan ang mga near poor o yung mga minimum wage earners upang hindi sila bumagsak pa sa ilalim ng poverty line.


Sabi pa ng kalihim na pinasimple lang nila ang requirements gaya ng pagsusumite ng income tax return o payslip bilang patunay.


Halos kahalintulad lang aniya ng AICS ang magiging proseso ng payout.


Diin pa niya na maaaring makabenepisyo sa programa ang kapwa minimum wage earner na nasa pribadong kompanya o sa gobyerno.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home