MAR 21
-Hajji-
Tuloy pa rin ang mga pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahit sa panahon ng limang linggong Lenten break.
Sa mosyon ni Deputy Majority Leader at Isabela Sixth District Representative Inno Dy sa plenaryo, ipinanawagan nito ang pagpapahintulot sa committee proceedings mula March 21 hanggang April 28.
Walang tumutol sa mosyon ni Dy kaya awtorisado ang lahat ng standing at special committees na magkasa ng mga pagdinig na nakatutok sa legislative responsibilities at mga isyung kinahaharap ng bansa.
Sa adjournment speech naman ni House Speaker Martin Romualdez ay binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtupad sa oversight function ng Kongreso sa pamamagitan ng inquiries in aid of legislation upang protektahan ang integridad ng government institutions at kapakanan ng taumbayan.
Ang mga imbestigasyon ay nagsisilbi aniyang pundasyon ng accountability at transparency.
Inihalimbawa ni Romualdez ang joint inquiry ng Committee on Ways and Means, Committee on Senior Citizens at Special Committee on Persons with Disabilities hinggil sa mga problema sa implementasyon ng batas at polisiya na nagpapataw ng diskwento, insentibo at tax exemptions sa mga nakatatanda at may kapansanan.
Dahil aniya dito ay nakatakda nang itaas ang diskwento sa 500 pesos kada buwan mula sa 260 pesos para sa grocery ng senior citizens at PWDs.
Bukod pa rito ang pagpapataas sa benefit package para sa breast cancer patients mula 100,000 pesos patungo sa 1.4 million pesos sa tulong ng benepisyo mula sa PhilHealth at ililibre ang mammogram at ultrasound exam para sa mga kababaihan upang mailigtas sa cancer.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home