MGA PANUKALA NA NAGSUSULONG NG DEPED FLEXIBILITY AT PAGPAPAGAAN SA PAGBABAYAD NG LOAN NG MGA MAG-AARAL, PASADO SA PINAL NA PAGBASA
Sa pagkilala sa mga pagbabago sa edukasyon na kinakailangan ng mga mag-aaral, ay nagkakaisang ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa botong 255, ang House Bill 9936 na naglalayong isulong ang pagpapagaan sa Kagawaran ng Edukasyon na alamin ang pinaka-epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng basic education. Layon ng panukala na amyendahan ang Republic Act 10533, o ang "Enhanced Basic Education Act of 2013,” na layuning tiyakin na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng lubos na kaalaman at kakayahan na kinakailangan sa bawat sumusunod na mga baytang. Nagkakaisang inaprubahan rin ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang HB 9978, o ang panukalang "Moratorium on Payment of Student Loan Act," sa botong 255, na naglalayong gawaran ng pagpapaliban sa pangongolekta sa mga utang ng mga mag-aaral sa makatuwirang panahon, bago at matapos ang pananalanta ng isang kalamidad, o iba pang kagipitan. Aprubado rin ang HB 9982, na kikilalanin bilang "Strengthened Higher Education Institutions Act," na naglalayong palakasin ang papel ng pamahalaan sa pangangasiwa at pamamahala ng lahat ng pampubliko at pribadong higher education institutions (HEIs). Ang iba pang mga panukala na nagkakaisang inaprubahan sa huling pagbasa ay: 1) HB 9979, na mag-aamyenda sa Republic Act 7836, o ang "Philippine Teachers Professionalization Act of 1994," na inamyendahan ng RA 9293, na may botong 255; 2) HB 10003, o ang "Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI) Act," na may botong 259; at 3) HB 10049, na nagsusulong ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagpapalakas, pagbibigay-kapangyarihan, at pagpapaunlad ng financing at iba pang mga programang sumusuporta sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). Ang panukala ay nakatanggap ng botong 258, na mag-aamyenda sa RA 6977, o Magna Carta for MSMEs, na inamyendahan, kapag ito ay naisabatas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home