kath
Kinondena ng mambabatas mula sa Mindanao ang mabagal na pagpapatupad ng Philippine Identification System (PHilsys) o ang national ID, sa kabila na rin ng mga reklamong hindi ito tinatanggap bilang proof of identity dahil sa walang lagda ang nagmamay-ari.
Ayon kay Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers, isa sa pangunahing may akda ng Republic Act 11055, anim na taon na ang nakalilipas simula ng ipatupad ang batas ay napakamarami pa ring ang hindi nakakatanggap ng kanilang ID.
Bukod pa rito ang natatanggap na reklamo na hindi kinikilala ang national ID dahil sa kawalan ng specimen signature.
Hiniling ng mambabatas sa Philippine Statistics Authority na maglabas ng kabuuang bilang actual registration at ng mga naipamahagi ng ID.
Una na ring inihayag ng PSA ang target na 50 million PhilSys ID’s na maipapamahagi sa taong 2022.
Ang national ID ay nangangahulugan na ang bawat Filipino ay dapat na magkaroon ng ID, at dahil sa mabagal na pagpapatupad ng batas ay kinukwestyon kung saan na napunta ang inilaang bilyong pisong pondo ng bayan para sa proyekto.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home