Friday, April 05, 2024

Dapat palakasin ng Department of Foreign Affairs ang panawagan at aksiyon para mabigyan ng executive clemency ang ilang OFW sa Middle East na nahatulan dahil sa ibat-ibang mga kaso.


Ginawa ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo ang apela kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng Ramadan.


Ayon kay Salo, Chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, ang pagtatapos ng Ramadan na period of reflection, forgiveness and renewal of Islamic faith ang tamang panahon para humingi ng pardon.


Sabi ni Salo, dapat mamagitan ang DFA at ating mga embahada sa Muslim countries para mapakinggan ang ating apela na gawaran ng executive clemency ang mga kababayan natin na nakakulong sa naturang mga bansa.


As of March 2023 at base sa datos ng DFA,  83 overseas Filipinos ang nasa death row,  1,267 ang naka-detain at majority ng mga kaso ay nasa Middle East at Muslim countries.


Bukod sa DFA, umaapela si Salo sa Department of Migrant Workers, OWWA, Commission on Filipino Overseas at non-government organizations na magtulong-tulong para mas mapalakas ang panawagan at matulungan ang ilang OFW’s na nakakulong sa Middle East.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home