MABILIS NA AYUDANG PINANSYAL PARA SA MGA PERSONS IN CRISIS SITUATION, HINILING NG MGA KINATAWAN NG TINGOG PARTYLIST
Naghain ng panukala sina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre para sa madaliang probisyon ng quarterly na ayudang medikal, na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P150,000 sa mga indibiduwal at/o mga pamilyang mahihirap, madaling mahawaan ng mga sakit, nasa panganib, o ang mga nakakaranas ng krisis.
“The 1987 Constitution mandates the State to ‘free the people from poverty through policies that provide adequate social services.’ To uphold this, this bill seeks to institutionalize the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD),” anila Reps. Romualdez at Acidre sa kanilang paliwanag sa House Bill (HB) No. 1940, na ngayon ay nakabinbin sa House Committee on Social Services.
“AICS is social safety net or stopgap measure to support the recovery of individuals and families who are indigent, vulnerable, disadvantaged or are otherwise in crisis situation. It provides psychosocial intervention through therapies, direct financial or material assistance which enables such individuals and families to meet their basic needs in the form of food, transportation, medical educational, or burial assistance, and, referral to other services of other national government agencies,” dagdag pa nila.
Ipinapanukala sa ilalim ng Section 4 ng panukala na ang programang AICS ay maggagawad ng iba't ibang serbisyo sa mga indibiduwal at mga pamilya, na nakakaranas ng krisis o nasa mahirap na kalagayan na nangangailangan ng psychosocial intervention, o direktang pinansyal at ayudang materyal, partikular na ang ayudang transportasyon, ayudang medikal, ayuda sa pagpapalibing, ayudang pang edukasyon, ayudang pagkain, ayudang pinansyal, psychosocial intervention, o rekomendasyon para sa iba pang serbisyo. Sasailalim sila sa pagsusuri, beripikasyon, at pagtaya ng mga pangangailangan ng benepisaryo, na isasagawa ng mga social workers.
Sa ilalim ng panukala, ang halaga ng ayudang pang transportasyon ay ibabatay sa aktuwal na quotation ng tiket, at maaaring maigawad minsan sa isang taon.
Ang ayudang medikal ay maaaring mula P1,000 hanggang P150,000, at maaaring mahiling kada ikatlong buwan.
Samantala, para sa ayudang pagpapalibing ay mula P5,000 hanggang P25,000.
Ayudang pinansyal naman na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P10,000 ay maaaring maigawad kada semestre, depende sa antas ng edukasyon ng mag- aaral.
Ang ayudang pagkain, ayudang pinansyal para sa iba pang suportang serbisyo at probisyon para sa PPE ay maaari ring hilingin sa ilalim ng panukala.
Susuriin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisaryo, at siyang mangangasiwa sa programa.
Ayon sa panukala, kasama sa rekisitos para sa mga humihiling ng ayuda ang mga sumusunod na dokumento, depende sa uri ng ayuda na hihilingin sa social worker: a) may bisang identification card; b) Police blotter; c) Police certification; d) Medical case study report, medical certificate, o medical abstract; e) Hospital billing statement o statement of account; f) resetang medikal; g) Death certificate; h) Funeral contract; i) School enrolment assessment form o certificate of registration; j) School identification card; k) mga dokumento sa pagbiyahe; o, anumang sumusuportang dokumento, na maaaring kailanganin sa ipinatutupad na tuntunin at patakaran ng naturang panukala.(END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home