PAGLALAAN NG P10B PONDO PARA SA MGA MAMAMAYANG LUMALABAN SA SAKIT NA CANCER, IMINUNGKAHI NI DS VILLAR
Nais ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na maisulong ang 10-billion peso fund para sa mga nangangailangang Pilipino na lumalaban sa sakit na cancer.
Batid ni Villar na ang cancer ang isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay ng ilan sa ating mga kababayan.
(Iginiit ng lady solon na talagang nakakaubos ng pananalapi o ipon ang paglaban sa sakit na ito, lalo na para sa mga mahihirap.)
Ito ang dahilan kung bakit inihain niya ang House Bill No. 5686 na layung matulungan ang mga kapuspalad na mabigyan ng lifeline upang malabanan kanser.
(Sa katunayan, isa ani Villar sa mga hangarin ng national economy ang mabigyan ng pantay na pagkakataong mabuhay at magkaroon ng maginhawang pamumuhay ang lahat ng mga Pilipino.)
Dagdag pa ng kongresista, kahit ang mga middle income patient, hirap at nabibigatan sa gastusin para sa kanilang chemotherapy, dahil umaabot ito ng halos 100k pesos per session.
Base sa datus ng Dept of health, 189 out of 100,000 na mga Pilipino ang tinatamaan ng kanser, habamg apat na indibidwal naman ang binabawian ng buhay kada oras.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home