Wednesday, November 16, 2022

P5M PINANSYAL NA AYUDA PARA SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA NAVOTAS, INIABOT NI SPEAKER ROMUALDEZ


Iniabot ni Speaker Martin G. Romualdez ngayong Martes kay Navotas Lone District Rep. Tobias “Toby” Tiangco ang halagang P5-milyon na pinansyal na ayuda, bilang tulong sa mga biktima ng sunog na naganap sa isang lugar ng mga kabahayan, Lunes ng gabi.

 

Ayon sa ulat, lima katao ang nasawi at dalawa naman ang sugatan sa naganap na sunog na umabot ng anim na oras at nagtala ng ikalimang alarma.

 

“Please extend my condolences to the families of those who perished in this unfortunate tragedy and my sympathies for those whose houses and properties were razed to the ground,” ani Romualdez kay Tiangco.


Bukod sa pinansyal na ayuda, ay magpapadala rin si Speaker ng 500 bag ng bigas, na naglalaman ng 5 kilo bawat isa, para maipamahagi sa mga biktima ng sunog sa Navotas. 


“I sincerely hope this gesture of assistance we provided through the help of our friends and colleagues will help their condition," ani Romualdez.

 

Ang pinansyal na ayuda sa mga biktima ng sunog ay bahagi ng P71-milyon na pinansyal at pledges na nakalap ni Romualdez sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, Lunes ng gabi, kung saan ay nanawagan siya sa mga panauhin at mga kaibigan ng suporta sa kanyang Disaster Relief and Rehabilitation Initiative.

 

Matapos ang malawak na pananalasa at pagkawasak na idinulot ng Severe Tropical Storm “Paeng,” na naging dahilan ng mga pagguho ng lupa at malawakang pagbaha, ay inilunsad ni Speaker Romualdez ang fund drive at relief operations, upang maihatid ang tulong sa mga apektadong lugar.

 

Nakapangalap ang Kapulungan ng halagang P49.2-milyong pinansyal na kontribusyon at pledges, at mga donasyong in-kind tulad ng mga kumot, pagkain, at mga toiletries mula sa mga pribadong indibiduwal, na agad namang naipamahagi sa mga biktima ng bagyo.#

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home