Wednesday, November 09, 2022

PRODUKTIBONG PAGBABALIK-SESYON: 11 PANUKALA NA MAGSUSULONG NG KALIGTASAN SA MGA GUSALI, PANGANGALAGA SA KALIKASAN AT TURISMO, PASADO SA KAPULUNGAN

Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Lunes ng gabi, sa ikatlo at huling pagbasa, ang 11 lokal at pambansang mga panukala na nagsusulong ng kaligtasan sa pribado at pampublikong gusali at mga imprastraktura, proteksyon ng kalikasan at pagpapalakas ng turismo sa bansa.


“We immediately buckled down to work on the first day of our resumption of session. It was a productive day,” ayon kay Speaker Martin G. Romualdez.


Sinabi niya na ang araw ng Lunes ay kadalasang inilalaan ng mga mambabatas sa mga privilege speeches para sa kanilang mga alalahanin, bukod sa referral ng maraming panukala, mga resolusyon at komunikasyon sa iba’t ibang Komite at pagtalakay sa mga hindi natapos na usapin.


“But yesterday (Monday), we managed to pass bills of national and local importance, thanks to the cooperation of every House member,” ani Romualdez.


Ang isa sa pambansang panukala na inaprubahan ay ang House Bill (HB) No. 5087 na pangunahing iniakda ni Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., na naglalayong isama ang National Building Code bilang subject sa mga kurso ng engineering at architecture, at bilang bahagi ng licensure examinations para sa ganitong propesyon.


Sinabi ni Gonzales ang ang panukala ay, “aims to safeguard life, health, property, and public welfare.”


Ang dalawa pang panukala na may pambansang kahalagahan ay ang HB No. 5110, na naglalayong, “to strengthen the conservation and protection of Philippine cultural heritage through cultural mapping and enhanced cultural heritage education program,” at ang HB No. 3622, na nagpapalawig sa termino ng Philippine Aerospace Development Corp. ng panibagong 50 taon.


Nakatakdang matapos ang termino ng naturang korporasyon na nasa ilalim ng Department of National Defense (DND), sa ika-5 ng Setyembre 2023.


Ang pangunahing may-akda ng dalawang panukala ay sina Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, dating Speaker at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan.


Pinagtibay rin ng Kapulungan ang tatlong resolusyon, Lunes ng gabi, - ang isa ay ang pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng, ang pangalawa ay ang pagpapahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng Paeng, at ang pangatlo ay ang pagkondena sa walang awang pagpaslang sa veteran broadcaster na si Percy Lapid.


Ang mga resolusyon ay iniakda nina Speaker Romualdez, Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander "Sandro" A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.


Ang walo pang mga panukala na may lokal na kahalagahan at ang mga naghain nito ay: 


1.   HB 5167, na nagdedeklara sa Tugonan Waterfalls sa Barangay San Lorenzo, Prosperidad, Agusan del Sur, bilang ecotourism site, na inihain nina Representatives Afelito Bascug at Eddiebong Plaza.


2.   HB 5168, na nagdedeklara sa nasasakupan ng National Shrine of our Mother of Perpetual Help, na mas kilala bilang Baclaran Church sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Lungsod ng Parañaque, bilang heritage site at tourist destination, ni Rep. Edwin Olivarez.


3.    HB 5169, na nagdedeklara sa Mount Arayat na nasa hangganan ng mga bayan ng Arayat at Magalang sa Pampanga, bilang ecotourism destination, ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.


4.   HB, na nagdedeklara sa Luzon Datum na nasa Barangay Hinanggayon sa Mogpog, Marinduque bilang tourist spot, ni Rep. Lord Allan Jay Velasco.


5.   HB 5171, nagdedeklara sa Cebu Safari and Adventure Park sa Barangay Corte, Carmen, Cebu, bilang tourism destination, ni Rep. Vincent Franco Frasco.


6.   HB 5172, na tumutukoy sa puno ng Dao na matatagpuan sa secondary forest ng E. Pelaez Ranch sa Bayombong, Barangay Cugman, Cagayan de Oro City, bilang Cagayan de Oro Heritage Tree at pagdedeklara nito bilang tourist attraction, ni Rep. Rufus Rodriguez.


7.   HB 5173, na nagdedeklara sa Guinsaugon Eco-adventure Park sa Barangay Ginsaugon, St. Bernard, Southern Leyte, bilang tourism designation, ni Rep. Christopherson Yap.


8.   HB 5174, na nagdedeklara sa Passig islet sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur, bilang ecotourism site, ni Rep. Tracy Cagas.


Ang 11 panukala ay ipadadala ng Kapulungan sa Senado para sa kanilang aksyon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home