Tuesday, December 20, 2022

BOTONG NO NI HATAMAN SA MIF BILL, IPINALIWANAG

Si Basilan Representative Mujiv Hataman ay isa sa anim na bomoto ng “NO” sa pagpasa ng House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Bill (MIF Bill). 


Sinabi ni Hataman na minadali ang pagpasa ng MIF Bill na sana ay pinadaan sa butas ng karayom at pinag-aralan o tinalakay munang mabuti.


Ayon pa kay Hataman, ang panukala ay kinontra mismo ng mga opisyal ng administrasyon at mga ekonomista.


Halimbawa aniya si Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Felipe Medalla, na nagsabing baka matulad ang MIF sa sovereign wealth fund ng Malaysia na nasangkot sa isa sa pinakamalaking iskandalo ng katiwalian sa buong mundo. 


Binanggit din ni Hataman ang pangamba ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa pag-invest ng pondo ng Land Bank of the Philippines o LBP at Development Bank of the philipippines o DBP sa MIF dahil hindi magandang idea na ma-overexpose ang pondo ng dalawang bangko.


Giit pa ni Hataman, hindi pa nasasagot ng maayos ang napakaraming tanong ukol sa MIF na hindi rin suportado ng feasibility study.


Kabilang dito ang tanong kung kailangan nga ba talaga natin ng isang MIF gayong kumikita naman ang mga indibidwal na ahensiyang bubuo sa pondo nito.


Nais ding malaman ni Hataman, kung ano ang magagawa ng MIF na hindi kayang gawin individually ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at mga government financial institutions na mag-aambag sa pondo nito.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home