Tuesday, December 20, 2022

PAGPIGIL SA PAGTAAS NG INSURANCE PREMIUM RATES SA MGA LUGAR NA NASALANTA NG KALAMIDAD, ISINUSULONG SA KAMARA

Muling umapela si Congressman Wilbert Lee ng AGRI Partylist sa Insurance Commission na suspindihin ang implementasyon ng pagtataas ng insurance premium rates sa mga lugar na nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.


Sinabi ni Lee na kapag naipatupad ang increase, tataas ng halos 400-percent ang insurance premium simula January 1, 2023 at apektado dito ang mga micro small ang medium enterprises.


Daing ni Lee, walang isinagawang kunsultasyon bago sana inaprubahan ang premium rates at tiyak ang domino effect nito sa presyo ng mga bilihin.


Sa HR00632, pinai-imbestigahan ni Lee sa Kamara ang biglaan at hindi makatuwirang pagtaas ng insurance premium rate ng mga insurance companies.


Giit ni Lee, pwedeng makaapekto ito sa mga negosyo sa bansa at magdulot ng pagtaas ng presyong mga bilihin lalo na ng agricultural products.


Wrong timing anya ang pinagtibay na circular lalo na’t hindi napapanahon ang pagtaas ng singil dahil unti-unti pa lang nakababangon ang ekonomiya dahil sa pandemya.


Sabi pa ni Lee, sumulat na siya kay Insurance Commissioner Dennis Funa tungkol sa naturang apela pero hanggang ngayon ay wala pang tugon ang naturang opisyal.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home