Tuesday, December 20, 2022

YEAR-END BONUS PARA SA INDIGENT SENIOR CITIZENS, ISINUSULONG SA KAMARA

Isinumite sa Kamara ang panukala na bigyan ng additional year end bonus ang mga indigent o mahihirap na senior citizens.


Nakapaloob ito sa HB06693 o “Paskong Maligaya para kay Lola at Lolo” ni Congressman Patrick Michael Vargas, Vice Chairman ng House Committee on Social Services.


Sa panukala, pagkakalooban ng dagdag na year end bonus ang mga mahihirap na senior citizens na qualified sa Expanded Senio Citizens Act.


Sinabi ng mambabatas na sa ilalim ng bill, ang mga indigent senior citizens ay makatatanggap ng dagdag na one thousand pesos bukod sa buwanan nilang allowance na one thousand pesos sa ilalim ng Social Pension for Indigent Seniors Program na ibinibigay bago mag-December 25.


Ayon sa kanya, malaking tulong ito dahil maraming mahihirap na senior citizens ang naghahanap-buhay pa rin para sa kanilang pamilya.


Dagdag pa nito, dapat maisabatas ang panukala para mabigyan ng mas maayos na social safety nets and protection ang mga indigent senior citizens at kanilang pamilya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home