Tuesday, December 20, 2022

POSITIBONG RESULTA NG SURVEY HINGGIL SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND, MALUGOD NA TINANGGAP NG HOUSE SPEAKER

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nasa tamang direksiyon ang Kamara sa pagsusulong ng isang sovereign wealth fund na layunin na mabigyan ng benepisyo ang mga darating na henerasyon.


Ito ang naging reaksiyon ni Speaker Romualdez sa resulta ng data research firm na TANGERE na isinagawa noong December 8 to 10 ilang araw bago napagtibay ng Kamara ang HH06608.


Ang survey ay nilahukan ng 2,400 respondents.


12-percent mula sa Metro Manila… 23-percent mula sa North at Central Luzon… 22-percent mula sa South Luzon… 20-percent mula sa Visayas at 23-percent. Ila sa Mindanao.


Ayon kay Martin Penaflor, Chief Executive Officer at founder ng data research firm na TANGERE, 2,010 o katumbas ng 83.75-percent ng 2,400 respondents ay “aware” sa MIF bill.


Muli namang tiniyak ni Romualdez na may sapat na safeguards at pinagtibay ang mga amyenda sa MIF bill para maseguro na mabibigyan ng proteksiyon ang 

pondo ng bayan.





Samantala, ang Philippine Stock Exchange ang pinakahuling business group na naghayag ng suporta sa MIF.


Sabi ni PSE President and CEO Ramon Monzon, ang proposed sovereign fund ay makatutulong para ma-mobilize ang capital for development.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home