Wednesday, February 15, 2023

PANUKALANG PAGIGING SERTIPIKADONG MEDICAL FIRST AID RESPONDERS AT EMERGENCY MEDICAL TECHNICIANS, PASADO NA SA KAMARA

kath

Pasado na sa ikatlong pag-basa ang House Bill 6512 o panukala na gawing requirement ang pagiging certified medical first responders at emergency medical technicians ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.


236 na mga mambabatas ang bumoto pabor sa panukala.


Sa ilalim nito, ang mga bagong Fire Officer (FO1) ay isasailalim ng Fire Basic Recruit Course, na may kasamang advanced first aid at emergency first response.


Ang mga tauhan naman ng BFP na nasa serbisyo na ay bibigyan ng limang taon para makakuha ng sertipikasyon habang exempted na ang mga nagseserbisyo ng higit 15 taon.


Pangungunahan ng BFP ang training program sa tulong ng Department of Health, Technical Education and Skills Development Authority at Local Disaster Risk Reduction and Management Office.


Ang mga BFP emergency medical technician ay mga trained at certified pre-hospital emergency care provider na kayang magbigay ng pre-hospital care at gumamit iba't ibang complex emergency medical equipment.


Pagbibigay diin ni House Speaker Martin Romualdez, kadalasan ang BFP ang first responders sa mga sakuna kaya’t mahalaga na mayroon silang basic medical training para tumugon.


“In emergency situations like a fire, an earthquake or a road accident, BFP personnel are often, if not always, the first responders. They have to have adequate basic medical training to assist and save victims. This is the reason why fire departments in many countries, including our own BFP, are mandated to have emergency medical service (EMS) units,” ani Romualdez.


##

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home