MANDATORY AUTOPSY BILL NI REP. BARBERS, TINALAKAY NG KOMITE SA KAMARA
anne
Sinimulan ng talakayin ng Committee on Public Order and Safety ang panukalang House Bill No.1538 ang Mandatory Autopsy na inakda ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers.
Layon ng nasabing panukala ang mandatory full autopsy at mahigpit din na ipinagbabawal ang 'unauthorized disposition' ng bangkay na itinuturing na deaths under investigation o mysterious and suspicious circumstances.
Sa sandaling maging ganap na batas ito, maaaring isailalim sa mandatory autopsy ang isang bangkay kahit walang court order.
Sa ngayon kasi, kailangan pa ng court order bago maisailalim sa autopsy ang isang bangkay.
Ang mga qualified persons na maaring magsagawa ng autopsy ay mga government health officers, medical officers of law enforcement agencies at mga members ng medical staff ng mga accredited hospitals.
Bumuo na ngayon ng Technical Working Group ang komite na siyang magsagawa ng pag-aaral na may kaugnayan sa nasabing panukala.
Si Antipolo Rep. Romeo Acop ang mamumuno sa Technical Working Group.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home