Wednesday, February 15, 2023

PAMBUBULLY NG CHINESE COAST GUARD SA ATING PSG, MARIING KINONDENA SA KAMARA

jopel

Mariing kinondena ni 2nd District Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panibagong pambubully ng China sa Philippine Coast Guard sa West Phil Sea na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng ilang PCG personnel matapos silang gamitan ng military laser ng isang Chinese vessel.


Dahil dito, nanawagan sa mga Pilipino si Barbers upang magkaisa at suportahan si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa pagpapakita ng labis na pagkadismaya at paghahain ng diplomatic protest.


Giit ng mambabatas, hindi na pwedeng basta na lamang manahimik ukol sa isyung ito lalo na't matagal nang nagdurusa ang marami dahil dito partikular na ang ating mga mangingisda.


Bunsod nito, nanawagan si Cong. Barbers sa mga kaalyadong bansa na tulungan ang Pilipinas na maipatupad ang ating napanalunang arbitral ruling kaugnay sa isyu ng territorial dispute sa west phil sea.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home