Agad na nausisa ang isyu ng confidential and intelligence funds o CIFs sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 National Budget.
Sa kanyang interpelasyon --- tinanong ni Kabataan PL Rep. Raoul Manuel kay Budget Sec. Amenah Pangandaman ang “newcomers” sa CIF.
Habang binanggit ng mambabatas ang CIF ng Office of the Vice President o OVP, Department of Education o Deped, at ang DICT.
Tugon ni Pangandaman, ang budget para sa CIF ng OVP at Deped ang “existing” naman na sa 2023 budget.
Kabilang naman “additional” o dagdag na alokasyon para sa CIF sa ilalim ng 2024 National Budget ay ang mga sumusunod:
-DICT – P300 million
- BOC – P30.5 million
- DFA – P5 million
- DA – P50 million
- National Defense –P60 million (intel)
- PSG - P60 million
- General Headquarters – P60 million
- National Security Council – P30 million (confi)
- OPAPRU - P6 million (confi)
- Office of the Ombudman - P20.46 million (confi)
Ayon kay Manuel, tila pinapayagan ng DBM ang ganitong kalakaran ng CIF sa iba’t ibang ahensya kasama ang civilian agencies. Kaya tanong niya, ano ang tulong nito sa paglago ng ekonomiya?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home