Friday, August 11, 2023

PANUKALANG LUMILIKHA NG MAS MARAMING HUMAN RESOURCE MANAGEMENT OFFICERS SA MGA LGUs, APRUBADO NG KAPULUNGAN


Sa nagkakaisang pabor na botong 266, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala, na lilikha ng mas maraming posisyong “mandatory” para sa human resource management officers, sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa buong kapuluan.


Inamyendahan ng House Bill (HB) No. 8520 ang ilang mga probisyon ng Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160), na partikular na tinutukoy ang mga kapangyarihan at mga tungkulin ng mga HR officers sa mga munisipyo, lungsod at mga lalawigan.


Ilan sa mga may-akda ng panukala ay sina Reps. Ruth Mariano Herrnandez, Manuel Sagarbarria, Wowo Fortes, Margarita Nograles, Gus Tambunting, Ricardo Kho, Mercedes Alvarez, Salvador Pleyto, at Manuel Jose Dalipe.


Isinasaad sa panukala ang designasyon, gayundin ang rekisitos na “qualifications,” ng mga business permit and licensing officers (BPLOs), para sa mga munisipyo at mga lungsod – mula Luzon, Visayas at hanggang Mindanao.


Bukod sa dalawang opisyal na ito, isinasaad rin sa panukala ang pagtatalaga ng Cooperatives Development Officer (CDO), kung saan ang mga may kaugnayang LGUs ay may karapatang magtalaga ng naturang opisyal, “in a related office, unit or department.”


Ang mga lungsod, munisipyo at mga tanggapan ng pamahalaang panglalawigan ay bibigyan rin ng kapangyarihan na magtalaga ng ranggo, sweldo at iba pang kabayaran sa mga opisyal na ito, subalit, alinsunod lamang sa mga “existing laws, rules and regulations.”


Pinahihintulutan rin ng HB 8250 ang mga LGUs na magtalaga ng lahat ng mga opisyal – HR at licensing officer – gayundin ang pag “merge” ng CDO post “to an existing position or official in a related office, or unit or department” sa mga lokalidad kung saan ang mga opisyal na ito ay itatalaga.


Ang human resource officer, ayon sa panukala ay dapat na Pilipino, residente ng naturang lokalidad, may good moral character, college graduate hangga’t maaari ay Psychology major, kurso sa public administration, o isang law student sa kolehiyo o unibersidad.


Ang Eligibility ay kabibilangan ng pagpasa sa pagsusulit ng Civil Service Commission, may karanasan na limang taon, - kung nais niyang magtrabaho sa pamahalaang panglalawigan, at tatlong taong karanasan naman sa munisipyo. Ang business permit licensing officer ay dapat na nagtatangan ng degree sa business administration.


“No new employees shall be hired until all current qualified employees have been considered and duly appointed,” ayon sa ilalng bahagi ng HB 8250.


“Temporary and casual employees who possess the necessary qualifications and appropriate civil service eligibility for permanent positions shall likewise be given preference in the selection and appointment to positions vacated by those who have been appointed to the newly-created positions.” wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home