Ilan pang reclamation projects sa ibat-ibang panig ng bansa bukod sa sinuspinding Manila Bay reclamation activities, dapat silipin din ng Malakanyang…
…
Bukod sa sinuspinding reclamation activities sa Manila Bay… dapat repasuhin ng gobyerno ang iba pang reclamation projects sa ibat-ibang panig ng bansa na naaprubahan at nai-proposed sa gobyerno.
Ito ang apela ni House Deputy Speaker Ralph Recto matapos ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin ang reclamation activities sa Manila Bay at isailalim sa review ng pamahalaan.
Ayon kay Recto, base sa datos ng Philippine Reclamation Authority o PRA, ang mga approved and proposed reclamation projects ay sumasaklaw sa 25,120 hectares.
Sabi ni Recto, halos 433-times ang laki nito sa Luneta.
Nilinaw ni Recto, walang masama sa reclamation pero dapat itaas ang standard and compliance dahil sa impact nito sa environment lalo na ang magiging epekto ng malawakang pagbaha.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home