Friday, August 11, 2023

Kasabay ng araw ng pag-arangkada ng deliberasyon ng Kamara para sa panukalang 2024 National Budget…


Nagtipon-tipon ang ilang grupo at union ng mga kawani ng gobyerno sa labas ng Batasan Pambansa sa Quezon City, para i-protesta ang hindi umano pagkakasama ng dagdag-sahod sa naturang pambansang pondo.


Kabilang sa mga nagkilos-protesta ay mga miyembro ng COURAGE, Alliance of Health Care Workers o AHW, Alliance of Concerned Teachers at mga kasamahan.


Sa isang pahayag --- sinabi ni Santiago Dasmarinas, ang presidente ng COURAGE --- na hindi na nga naisama ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA ang usapin ng salary increase para sa mga manggagawang Pilipino.


At ngayon, nakadidismaya aniya na walang alokasyon para sa dagdag-sweldo sa ilalim ng P5.768 trillion 2024 National Budget.


Sinabi naman ni Robert Mendoza ng AHW --- noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay bayani ang mga health care workers, pero hanggang ngayon ay hindi nakakatikim ng dagdag-sahod, at nabibitin pa ang mga allowances at benepisyo.


Sa kanilang panig, pinuna ng ACT ang malaking pondo para sa confidential at intelligence funds o CIF sa ilalim ng panukalang 2024 National Budget, subalit mababa pa rin ang pasweldo at benepisyo para sa mga guro sa bansa.


Bukod naman sa isyu ng dagdag-sahod… kinalampag ng mga grupo ang gobyerno ukol sa mataas na presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, at iba pang serbisyo. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home