SPEAKER, NAGTAKDA NG LIMANG LINGGO PARA SA KAPULUNGAN NA MAIPASA ANG PANUKALANG P5.768T 2024 BADYET, BIBIGYANG HALAGA ANG KALINAWAN AT TINIG NG MINORIDAD; AT NANGAKONG TITIYAKIN NA BAWAT SENTIMO AY GAGASTAHIN NG MAHUSAY
Binigyan ngayong Huwebes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng limang linggo upang lubos na mabusisi at maipasa ang panukalang P5.768 trilyong pambansang badyet, bibigyang halaga ang kalinawan at igagalang ang tinig ng minoridad.
Sa kanyang mensahe sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), iginiit ni Romualdez na titiyakin ng Kapulungan na bawat sentimo ng panukalang P5.768 trilyong badyet ay mahusay na gagastahin.
Nagpahayag ng tiwala si Speaker na maipapasa ng Kapulungan ang panukalang 2024 badyet sa wastong oras, at binanggit na naisumite ng Department of Budget and Management sa loob ng 20 araw na mas maaga sa itinakdang constitutional deadline.
“Sisiguruhin natin na maipapasa natin ang 2024 general appropriations bill sa loob ng limang lingo lamang. Apat na linggo sa mga komite, at isang linggo sa plenaryo,” ayon kay Romualdez.
“I am confident that the House of Representatives will be able to deliberate and pass the national budget on time and transmit the same to the Senate. I can assure everyone that the House of Representatives will not take a break until and unless we have passed this very important legislation,” dagdag niya.
Sa ibinigay na limang linggo bago ang deadline, hinimok ni Romualdez ang lahat ng mga miyembro ng Kapulungan na aktibong makilahok sa mga deliberasyon ng badyet.
“I call upon the members of this august body to actively participate in the budget deliberation, listen and respect everyone’s view, particularly the concerns of our colleagues from the minority, and reach a consensus that is beneficial to the country, especially the poor and marginalized among our people,” aniya.
Binigyang-diin ni Romualdez sa pagganap nila ng tungkulin bilang ‘power of the purse,’ ay tungkulin ng Kapulungan na ganap na busisiin ang panukalang 2024 pambansang badyet, upang matiyak na maipagpapatuloy nito ang mga napagtagumpayan sa nakaraang taon at masuportahan ang mga prayoridad na tinukoy sa ilalim ng eight-point socioeconomic agenda, at ang Philippine development plan 2023-2028.
“The budget deliberations are a meticulous exercise that requires accuracy, objectivity, and most of all, transparency,” punto niya.
Kailangang lubos na mabusisi ng Kapulungan ang mga panukala sa badyet ng bawat kagawaran at ahensya, at marepaso ang bawat programa, aktibidad, at proyekto upang matiyak na ang alokasyon ay magiging maayos sa mga wastong prayoridad, ayon pa kay Speaker.
“With utmost diligence, we will ensure that every centavo of the proposed P5.768 trillion budget will be judiciously spent,” ani Romualdez.
“Obligasyon po natin na tiyakin na bawat sentimong buwis na ibinabayad ating mga kababayan ay magagamit nang tama at nararapat. Bawat sentimo nila, may serbisyong kapalit mula sa gobyerno,” dadgag niya.
Sinabi ni Romualdez na magsasagawa ang Kapulungan ng deliberasyon sa badyet na ganap na isasaisip ang bigat ng kanilang obligasyon na mapanatili ang pagtitiwala at pag-asa ng sambayanang Pilipino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home