Wala pang plano ang Department of Finance o DOF sa ngayon na isulong ang anumang panukalang itaas ang “luxury tax" o magkaroon ng "wealth tax” ayon kay Sec. Benjamin Diokno.
Sa budget deliberation ng Kamara sa panukalang pambansang pondo para sa 2024 --- binanggit ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara ang ilang “tax measures” na isinusulong ang economic team ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Subalit aniya, “regretfully” ay pawang tatama sa mga tao ang tax measures na ito.
Kaya tanong ni Vergara, mayroon bang ibang panukala na nagsusulong ng “proportional tax” gaya nga ng luxury o wealth tax.
Tugon ni Diokno, wala pa silang ganitong mga proposal. At sa pagsusulong ng buwis, isang characteristic ay dapat nagdudulot ito ng “high yield” o malaking balik, at ang administrative cost ay dapat minimal lamang.
Inihalimbawa ng Kalihim ang diyamante (diamond) na “pratically” ay walang makokolektang buwis dahil madali aniya itong itago.
Pagdating sa luxury goods, may mga tao na tutungo na lamang sa abroad para doon bumili.
Punto pa ni Diokno, sa pagbubuwis ay kailangang ikunsidera ang “simplicity” ng tax, papaano ito kadaling maiwasan at iba pa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home