Bumisita sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa dalawang palengke sa Quezon City ngayong Lunes upang personal na malaman ang presyo ng sibuyas at bigas.
Pumunta ang dalawang mambabatas, kasama si ACT-CIS Rep. Edvic Yap sa Nepa Q-Mart bago nagtungo sa Commonwealth Market.
“Kaya andito tayo may mga ulat na tumataas na naman ang mga presyo kaya tinatanong natin dito sa mga nagtitinda ng sibuyas, bigas at bawang kung ano talaga ang dahilan bakit tumataas,” sabi ni Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na seryoso ang Kamara de Representantes sa kampanya nito laban sa mga hoarder at price manipulator.
“Kaya sa mga hoarders sana naman wag nyo namang itago. Ilabas na lang
‘yan,” dagdag pa ng lider ng Kamara. “Huwag abusuhin at tutuluyan namin sila.”
Ang isinagawa umanong market inspection ay babala na rin sa mga ahensya ng gobyerno na gawin ang kanilang trabaho upang matiyak na walang nagsasamantala sa presyo.
“Gusto naming malaman nila na binabantayan natin, kasi baka akala nila porke’t maraming nangyayari sa West Philippine Sea baka nakakalimutan natin ang isyu na ito. Hindi natin makakalimutan ito hindi natin pababayaan ito kasi ayaw nating mangyari ‘yung kagaya nung nakaraang taon na pumalo at sumipa ang bilihin dito lalo na sa sibuyas. Kaya bigla na lang nagkaroon ng shortage daw,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Romualdez na binabantayan din ng Kamara ang mga kaganapan sa ibang bansa na maaaring makaapekto sa lokal na presyo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home