Hihirit ng paglilinaw ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung magkano ang ibibigay ng ahensya sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa deliberasyon ng panukalang budget para sa 2024, nagtanong si Baguio City Rep. Mark Go kay PAGCOR chairman Alejandro Tengco kung magkano ang iaambag ng ahensya sa sovereign fund.
Sinabi ni Tengco na hihingi ang PAGCOR ng paglilinaw sa Department of Finance kung saan ibabatay ang 10% na ibibigay nito sa national government.
Ang interpretasyon umano ng PAGCOR, ayon kay Tengco ay kukunin ito sa 50% ng kita ng ahensya na ibinibigay sa national government.
“Doon po sa 50% na yun, humihingi po kami ng clarification ngayon, dapat po e doon kami kukuha ng mai-invest sa Maharlika Investment Fund,” sabi ni Tengco. “So kung ang tinitignan po natin sa taong 2024 ay P36 to 40 billion ang magiging contribution po ng PAGCOR sa national (government), so, at kung tama po ang interpretasyon namin, ay makakapag contribute kami dapat sa Maharlika fund ng anywhere between P3.6 to P4 billion.”
“Amin na pong tinitignan ngayon at humihingi kami ng klaripikasyon kung yun pong retained earnings naming na nasa bangko lamang ay pwede din naming i-invest doon, a certain percentage of that, to the Maharlika fund,” dagdag pa ni Tengco.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home