MAGKASANIB NA TWG, NILIKHA UPANG TALAKAYIN ANG MGA PANUKALA SA MEDICAL CANNABIS
Magkasamang nagpulong ngayong Martes ang Komite ng Kalusugan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pangunguna ni Rep. Ciriaco Gato Jr. (Lone District, Batanes), at Komite ng Dangerous Drugs, sa pangunguna ni Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte), at nagpasyang bumuo ng isang pinagsanib na technical working group (TWG), upang pag-isahin ang siyam (9) na panukalang batas na naglalayong gawing legal ang paggamit ng cannabis para sa medikal na gamit. Pamumunuan nina Rep. Anthony Rolando Golez Jr. (Party-list, MALASAKIT@BAYANIHAN) at Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro (2nd District, Batangas) ang magkasanib na TWG, upang talakayin ang mga House Bill (HB) Nos. 241, 2007, 4638, 4866, 7817, 243, 6783, 7616, at 4208. Isusulong ng mga panukalang batas na (1) alisin ang cannabis mula sa listahan ng mga mapanganib na gamot at sangkap sa ilalim ng mga umiiral na batas, (2) magbigay ng right of persons na ma-akses ang cannabis para sa mga medikal na paggamit, at (3) itatag ang Philippine Cannabis Development Authority (PhilCADA). Ayon kay Rep. Gato, nakatulong ang pagdinig sa mga mambabatas, at mga nagsusulong na mas maunawaan ang medikal, panlipunan, at ligal na epekto ng paggamit ng cannabis. Ayon kay Rep. Antonio “Tonypet” Albano (1st District, Isabela), may-akda ng HBs 2007 at 243, ang mga makikinabang sa medikal na cannabis ay mabubuhay nang normal kapag ang mga panukala ay maging batas. Sinabi ni Rep. Luis Raymund "LRay" Villafuerte Jr. (2nd District, Camarines Sur), may-akda ng HB 4208, na kapag ito ay gawing legal ang medikal na cannabis ay mangangailangan ng isang ahensya upang mahigpit na tumuon sa pananaliksik, pag-unlad, at regulasyon nito. Sinabi Dr. Donnabel Trias-Cunanan, Pangulo ng Cannahopefuls, Inc. at ina ng isang batang babae na dumaranas ng epilepsy, na ang medikal na cannabis ay makakatulong sa pagkontrol ng epileptikong panginginig. Kinilala ni Director Rodley Carza ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga potensyal na benepisyo ng medikal na cannabis, ngunit idiniin ang pangangailangan para sa karagdagang pananaliksik, upang palakasin ang ebidensya sa pagiging epektibo nito. Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa pangangasiwa sa mga plano sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa cannabis at mga proyekto, at mga probisyon upang matugunan ang mga posibleng magkakapatong sa mga mandato ng PhilCADA sa mga umiiral na ahensya. Tiniyak nina Reps. Gato at Barbers sa mga dumalo na ang mga alalahanin na iniharap at bawat probisyon ng mga panukalang batas ay tatalakayin nang mas malawak sa magkasanib na pulong ng TWG. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home