Friday, August 25, 2023

MARINE CORPS’ ‘FORCE RECONNAISSANCE GROUP’ PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGBIBIGAY SA MGA PILIPINO NG KAPAYAPAAN NG ISIP


Ibinigay ngayong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kredito sa Philippine Marine Corps’ Force Reconnaissance Group, na ang 51-taong presensya ay nagbigay sa mga Pilipino ng hanidi mababayarang kapayapaan sa pag-iisip habang ang naturang security forces ay nakikipaglaban sa lahat ng uri ng terorismo. 

 

“You have embodied the very spirit of dedication, skill, and unwavering commitment. It is not an exaggeration to say that the peace and security we enjoy today is largely due to your tireless efforts,” ayon kay Speaker Romualdez sa paggunita na idinaos sa Ternate, Cavite sa pagdiriwang ng kanilang ika-51 taong anibersaryo ng pagkakatatag.

 

Sa kanyang talumpati sa okasyon na idinaos sa Camp Gregorio Lim, pinuri ni Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang mga kawal sa kanilang “relentless pursuit of excellence, your mastery of both land and sea, and your commitment to preserving the core values of honor, duty, and loyalty set you apart.” 

 

“In this rapidly changing global landscape, where new threats emerge as swiftly as the old ones fade, it is units like the Force Reconnaissance Group that stand as our nation's shield,” dagdag ni Speaker Romualdez, na siyang panauhing pandangal at tagapagsalita.

 

Ang pangunahing pinuno ng administrasyon at pangulo ng nangungunang partido politikal na Lakas-CMD ay nagpugay rin sa mga matitikas at matatapang na miyembro ng Marines na inialay ang kanilang mga buhay upang makamit ang kapayapaan sa buong bansa. 

 

“We remember those who have paid the ultimate price, those whose stories of bravery and sacrifice inspire countless others to serve with honor. Their memories remind us that freedom is not free,” pahayag ni Speaker. 

 

“It comes at a cost, and that cost is borne by the gallant men and women of our armed forces," aniya. 

 

Nagpahayag rin si Speaker Romualdez ng magandang balita hinggil sa kung papaano inaayos ng Kapulungan ang mga usapin sa sistema ng pensyon para sa mga Military and Uniformed Personnel, at kung gaano kalaking reporma na ang kanilang nagawa upang mapaunlad ang kabuhayan ng parehong mga aktibo at mga retiradong sundalo.

 

“I am proud to announce that the efforts of the House Ad Hoc Committee on the MUP Pension System have borne fruit,” aniya, at idinagdag na mahimbing na silang makakatulog sa gabi kapag nalamang may sapat na pondo ang kanilang mga pensyon at ang kanilang mga kaakibat na taas sweldo ay garantisado kada taon.

 

Ilan sa mga pangunahing reporma sa MUP ay kinabibilangan ng: 

 

1. 90 porsyento ng maximum retirement package batay sa base pay para sa lahat ng MUP, ang pagtaas mula sa dating package na 85 porsyento ng ating mga tauhan ng AFP; 2. Ang pagsama ng mga tauhan ng PNP na nakapaglingkod na ng mababa sa 20 taon, na tityak na sila rin ay makikinabang sa separation lump sum;

3. Ang taunang garantisadong pagtaas sa sweldo na tatlong (3) porsyento para sa lahat ng MUP; 4. Pagpapabatid ng dalawang magkahiwalay na sistema sa pamamahala ng pensyon : ang isa ay dedikado para sa AFP at ang isa ay para sa civilian uniformed personnel; 5. Pagtatakda ng limang (5) porsyento ng kontribusyon mula sa MUP, na sinamahan ng mapagbigay na 12 porsyento ng kontribusyon mula sa pamahalaan;

6. At ang mahalaga, ang pagtatatag ng espesyal na pananaw sa sistema ng pagpopondo sa pensyon para sa ating mga nakakaawang pensyoner, at titiyak na sila ay hindi napag-iiwanan.

 

“This revamped pension system underscores our unwavering commitment to the brave men and women in uniform. It not only provides financial security but also recognizes their boundless dedication and service to our nation,” giit ni Speaker. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home