Friday, August 18, 2023

MGA PANUKALA NA MAGPAPALAKAS SA BCDA AT PANGANGALAGA SA MGA PAGONG, INAPRUBAHAN SA IKALAWANG PAGBASA


Inaprubahan ngayong Martes ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Ikalawang Pagbasa ang House Bill 8505 na magpapalakas sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA). 


Layon ng panukalang batas na mapahaba pa ang corporate life ng ahensya ng isa pang 50 taon, upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga mandato at serbisyo ng BCDA. 


Nakasaad din na ang awtorisadong kapital ng BCDA ay tataas mula P100 bilyon hanggang P400 bilyon, na popondohan ng cash o ari-arian. 


Magkakaroon din ang BCDA ng kapangyarihan na magbenta ng limang porsiyento ng mga lupaing napapaloob sa mga sonang pang-ekonomiya sa ilalim ng hurisdiksyon ng BCDA, at magsusumite sa Tanggapan ng Pangulo ng mga pana-panahong update sa disposisyon ng mga lupain. 


Inaprubahan din sa Ikalawang Pagbasa ang HB 8503, na naglalayong ideklara ang buwan ng Hunyo bilang “Marine Turtle Conservation and Protection Month.” 


Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, mga pamahalaang lokal, at pribadong sektor, ay magsasagawa ng paghahanda at pagpapatupad ng taunang programa ng mga aktibidad bilang pagdiriwang ng “Marine Turtle Conservation and Protection Month." 


Ang sesyon sa plenaryo ay pinangunahan nina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr. at Deputy Speaker Vincent Franco "Duke" Frasco. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home