Friday, August 18, 2023

MGA PANUKALANG BATAS NA MAGBIBIGAY NG MGA PAGSASANAY SA KAKAYAHAN AT MGA OPORTUNIDAD SA TRABAHO PARA SA MGA BILANGGO, INAPRUBAHAN NG KOMITE

 

Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Higher and Technical Education sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang pagsasama-sama ng apat (4) na panukalang batas na magpapasimula ng pagsasanay sa kasanayan at magbibigay ng mga pagkakataon sa trabaho sa mga bilanggo sa mga kulungan. 


Ang mga ito ay ang House Bills (HBs) 4761, 5020, 5661 at 7493, ayon sa pagkaka-akda nina Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr., Parañaque City Rep. Gus Tambunting, CIBAC Rep. Eduardo ‘Bro. Eddie' Villanueva at Quezon Rep. Keith Micah ‘Atty. Mike’ Tan.


"The primary goal of our correctional system is the rehabilitation of offenders in the hopes that after serving their sentence, they can be productive members of our society," ani Rep. Dionisio sa kaniyang paliwanag sa HB 4761. 


Sumang-ayon si Rep. Tan, may-akda ng HB 7493, at idinagdag niya na “With employable skills, they (inmates) can find new life when they leave detention.” Inaprubahan din ng Komite, batay sa istilo at susog, ang substitute bill sa HB 969 na "strengthening the Mindanao State University System and appropriating funds therefor." 


Ang panukalang batas ay inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.  


Gayundin, inaprubahan ng Komite ang HB 7155, na iniakda ni Cavite Rep. Roy Loyola na naglalayong gawing isang regular na kampus ang Eulogio 'Amang' Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) - Cavite Campus sa Munisipalidad ng General Mariano Alvarez sa Cavite, na tatawaging EARIST-Cavite Campus, at ang paglalaan ng karampatang pondo para dito. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home