Speaker Romualdez, malugod na tinanggap ang mga kabahagi ng SMART internship ng Kamara
Personal na tinanggap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Martes ang college interns na makikibahagi sa Strategic Mentoring and Research Training (SMART) Internship Program ng House of Representatives, na kaniyang tinuran bilang isang “visionary project" na layong hubugin ang mga susunod na henerasyon ng lider.
Si Speaker Romualdez ang nagsilbing panauhing tagapagsalita sa pagpapasinaya ng internship na ginanap sa Women Legislators’ Lounge.
Kasamang dumalo sina Senior Deputy Majority Leader and Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander "Sandro" A. Marcos, Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, Isabela Rep. Faustino Michael Carlos Dy III, Secretary General Reginald S. Velasco, UP Chancellor Carlo Vistan, at mga dekano at opisyal ng katuwang na mga higher education institution.
“Our dear SMART interns, you are not just entering an institution; you're stepping into the heart of our democracy. This is not merely an observational exercise but an avenue to understand the intricate machinery that drives our legislative body,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312-kasapi ng Kamara de Representantes, sa 32 college interns mula UP, Lyceum, Trinity and UST.
Ani Speaker, si Marcos ay dating naging intern noong siya ay House Majority Leader pa lamang noong 18th Congress.
Pagbabahagi naman ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na siya ang nagsimula bilsang ordinaryong congressional staff bago naluklok bilang kinatawan ngayong 19th Congress.
Ang mga estudyanteng bahagi ng internship program ay bibigyan ng immersion work sa iba't ibang secretariat ng Mababang Kapulungan
“The Secretariat is the backbone of the House of the People. It ensures that the processes of drafting, deliberating, and passing legislation happen seamlessly. The value of the Secretariat in legislation is immense. Their work ensures that the voices of millions are effectively translated into policies and laws,” sabi ng pinakamataas na lider ng Kamara mula Tacloban City.
Paraan ani Romualdez ang programa upang masiguro na maisalin sa karapat-dapat na interns ang isinasabuhay na pagsisilbi at paglilingkod ng Kamara de Representates.
“To all the interns: you've been chosen because of your potential and the promise you show. Here, you'll be part of a mission, a bigger picture, where we're linking the passion of our youth with the experience and wisdom of the House of the People,” saad ng House Speaker
“Napili kayong lahat hindi lamang dahil magagaling kayo. Napili kayo dahil nakitaan kayo ng potensyal na maging lider ng bansa sa hinaharap. Kung ngayon ay interns kayo, umaasa ako na balang araw ay magiging bahagi rin kayo ng institusyong ito,” dagdag pa ni Romualdez
Paliwanag pa niya na personal nilang masasaksihan hindi lang ang trabaho ng House secretariat sa pagbuho ng mga batas ngunit maging sa nation-building."
“By ensuring that every piece of legislation is meticulously handled, the Secretariat upholds the principles of our democracy, ensuring that our nation's growth is rooted in the collective will of its people,” punto ni Romualdez
“Our partnering universities, thank you for trusting us with the best and the brightest of your students. It's this collaboration that will ensure our nation's policies and decisions continue to resonate with the younger generation,” aniya
MENSAHE NI SPEAKER ROMUALDEZ SA MGA INTERNS NG KAPULUNGAN: 'WELCOME TO THE HEART OF DEMOCRACY'
Malugod na tinanggap ngayong Martes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga papasok na mga college interns na bahagi ng Strategic Mentoring and Research Training (SMART) Internship Program ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na inilarawan niya bilang “a visionary project that aims to groom the next generation of leaders.”
Naging panauhing tagapagsalita si Speaker Romualdez sa paglulunsad ng programang internship na ginanap sa Women Legislators' Lounge, na dinaluhan din nina Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander "Sandro" A. Marcos, Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, Isabela Rep. Faustino Michael Carlos Dy III, Secretary General Reginald S. Velasco, UP Chancellor Carlo Vistan, at mga dean at opisyal ng mga kasosyong higher education institutions.
“Our dear SMART interns, you are not just entering an institution; you're stepping into the heart of our democracy. This is not merely an observational exercise but an avenue to understand the intricate machinery that drives our legislative body,” ani Speaker Romualdez, ang pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa 32 college interns mula sa UP, Lyceum, Trinity at UST.
Sinabi ni Speaker na si Rep. Sandro Marcos ay dating intern noong siya ay House Majority Leader nang nakaraang ika-18 Kongreso.
Ibinahagi din ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang kanyang karanasan kung saan siya nagsimula bilang ordinaryong kawani ng Kapulungan, bago nahalal na kongresista nitong ika-19 na Kongreso.
Ang mga kalahok sa internship program ay bibigyan ng tungkulin para sa immersion work sa mga tanggapan ng secretariat.
“The Secretariat is the backbone of the House of the People. It ensures that the processes of drafting, deliberating, and passing legislation happen seamlessly. The value of the Secretariat in legislation is immense. Their work ensures that the voices of millions are effectively translated into policies and laws,” ayon sa pinakamataas na pinuno ng Kapulungan mula sa Lungsod ng Tacloban.
Aniya, ang programa ay paraan ng Kapulungan upang matiyak na ang tanglaw ng pamumuno at paglilingkod sa Kapulungan ng mga Kinatawan, “is passed on to capable hands.”
“To all the interns: you've been chosen because of your potential and the promise you show. Here, you'll be part of a mission, a bigger picture, where we're linking the passion of our youth with the experience and wisdom of the House of the People,” ani Speaker Romualdez.
“Napili kayong lahat hindi lamang dahil magagaling kayo. Napili kayo dahil nakitaan kayo ng potensyal na maging lider ng bansa sa hinaharap. Kung ngayon ay interns kayo, umaasa ako na balang araw ay magiging bahagi rin kayo ng institusyong ito,” pahayag pa niya.
Ipinaliwanag niya na makikita ng mga intern kung paano gumagana ang secretariat, “not just in legislation but also in nation-building.”
“By ensuring that every piece of legislation is meticulously handled, the Secretariat upholds the principles of our democracy, ensuring that our nation's growth is rooted in the collective will of its people,” ani Romualdez.
“Our partnering universities, thank you for trusting us with the best and the brightest of your students. It's this collaboration that will ensure our nation's policies and decisions continue to resonate with the younger generation,” aniya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home