Sinuspinde na ng Department of Tourism o DOT ang isa pang kontrata nila sa ad agency na DDB Philippines.
Ito ang kinumpirma ni Tourism Sec. Christina Frasco, sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 budget ng DOT.
Sa kanyang interpelasyon, inusisa ni OFW PL Rep. Marissa Magsino ang isa pang kontrata ng DOT sa DDB na aabot sa P124.45 million, na bukod pa aniya sa kontrata para sa “tourism video” na matatandaang umani ng batikos dahil sa paggamit ng stock footages.
Ayon kay Magsino, ang tinutukoy niya ay ang kontrata na inaward sa DDB para sa counselling services para sa promosyon ng Philippine islands, award-winning destinations, at tourism products, at magtatatapos sa Aug. 31, 2023.
Dagdag ni Magsino, may kontrata rin ang DDB at ang Tourism Promotion Board o TPB, na attached agency ng DOT --- ay ito ay nagkakahalaga ng P12.99 million.
Tugon ni Sec. Frasco, na-terminate na ang kontrata sa DDB para sa kontrobersyal na video.
Para sa ibang kontrata, sinabi ni Frasco na sinuspinde na ito ng DOT. Ipinatupad aniya ng DOT ang kinakailangang “due diligence” upang matiyak na napag-iingatan ang interes ng ahensya at ng bansa.
Dagdag ni Frasco, ang security bond ng DDB ay na-forfeit na.
Samantala, sinabi ni TPB Chief Operating Officer Margarita Nograles na tuloy pa rin ang kontrata nila sa DDB, dahil handa na umanong i-launch o ilunsad ang proyekto.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home