PANUKALA PARA SA INKLUSIBONG EDUKASYON, PANGANGALAKAL AT TRABAHO PARA SA MGA MATATANDANG BENEPISARYO NG 4Ps, APRUBADO SA IKALAWANG PAGBASA
Inaprubahan ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Bill (HB) 8497 na magtataguyod ng inklusibong edukasyon, pangangalakal at trabaho para sa matagalang pag-unlad ng mga matatandang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni Poverty Alleviation Committee Chairperson at 1-PACMAN Party-list Rep. Michael Romero Ph.D., sa kanyang isponsorship na talumpati, na ang mga pagbabago sa Republic Act 11310 o ang "Act institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)" ay tutugon sa mga usapin sa ating mga programa sa pangangalaga sa lipunan at kapakanan.
Kasama rin sa panukalang gagawin sa umiiral na batas ang mga cash grant para sa subsidiya ng gastos sa transportasyon at pagkain habang ang matandang benepisyaryo ay nagsusumikap ng karagdagang edukasyon, pangangalakal o trabaho.
"If we are able to shepherd the passage of this bill, we increase the indigent adults' capability to be educated and trained, which in turn will increase their chances of being employed or putting up their own business," ani Rep. Romero.
Ayon kay AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee, isa sa punong may-akda ng panukalang batas, na ang HB 8497 ay isang kapaki-pakinabang na pamumuhunan sa mga tao dahil makakatulong ito sa kanila na makapag-aral, maging makasarili, makapagtapos sa programa bg 4Ps na may maximum na pitong taon, at tumulong na maputol ang intergenerational cycle ng kahirapan.
Inaprubahan din ng Kapulungan ang HB 7447, na nagpapalakas sa mga lokal na lupon ng kalusugan ng bawat lalawigan, lungsod o munisipalidad sa pamamagitan ng pagsasama sa pagiging miyembro nito ng isang kinatawan mula sa Barangay Health Workers Federation.
Ang panukala ay nagbibigay din sa mga lokal na health board ng karagdagang tungkulin na magrekomenda ng mga insentibo o benepisyo para sa mga Barangay Health Workers (BHW) at mga bagay na nangangailangan ng paggasta ng mga lokal na pondo para sa mga usaping pangkalusugan.
Ang panukala ay pangunahing akda at isinusulong ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, ang Chairman ng Komite ng Agriculture at Food ng Kapulungan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home