PANUKALANG P2.9-B BADYET NG DOT PARA SA TAONG 2024, SINIYASAT NG KAPULUNGAN
Sinayasat ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang panukalang P2.939 bilyon 2024 badyet ng Department of Tourism (DoT).
Binuksan ni Komite ng Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang pagdinig at hinimok ang kanyang mga kasamahan na maging maunawain at maging makatuwiran sa mga pangangailangan ng industriya ng turismo, na lubhang naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.
“Tourism is undoubtedly one of the most interesting, dynamic and vibrant sectors of the modern world that has the power to stimulate and propel economic growth, cultural exchange and social development within a nation. The contribution of tourism to the Philippine economy is nothing sort of remarkable. It is a driving force behind economic growth, a conduit for cultural exchange, and a source of pride for our nation,” ani Rep. Quimbo.
Ipinaliwanag ni DoT Secretary Maria Esperanza Christina Frasco na ang P1.9 bilyon ng kabuuang panukalang 2024 badyet ng DoT ay nakalaan para sa maintenance and other operating expenses (MOOE). Ang P314.02 milyon naman ay nakalaan para sa capital outlay projects.
Ang 2024 panukalang badyet ng DoT ay 20 porsiyentong mas mababa kaysa sa 2023 alokasyon ng ahensya na P3.7 bilyon.
Tinukoy ni Sec. Frasco ang America, South Korea, Australia, Canada at Great Britain bilang nangungunang limang bansa na may mga bumibisitang turista. Nagsusumikap ang DoT na maabot ang 3.427 milyon dami ng mga daragsang turista. Binigyang-diin ni Sec. Frasco kung papaanong nakapagtrabaho ang 5.35 milyong Pilipino sa mga industriya ng turismo noong 2022, na may 93 porsiyentong bilang ng pagbangon mula 2019.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home