PANUKALANG P24.058-B BADYET NG DFA PARA SA TAONG 2024, TINALAKAY NG KOMITE NG APPRO
Sinayasat ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang mga programa at proyekto ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ng panukalang alokasyon nito na P24.058 bilyon para sa piskal na taong 2024.
Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang mga opisyal ng DFA sa pagpapaliwanag ng kanilang panukala na mas mataas kaysa sa badyet ng DFA noong 2023 na P20.7 bilyon. Ibinida ni Secretary Manalo ang pag-ambag nila sa pangangalaga ng pambansang soberanya, integridad ng teritoryo at seguridad sa dagat; at pagtataguyod ng matatag na kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapalakas ng relasyong pandaigdig bilang estratehikong pambansang seguridad na direksyon ng DFA para sa taong 2024.
Tiniyak ni Komite ng Appropriations Vice Chairman at Nueva Ecija Rep. Joseph Gilbert Violago na susuportahan ng Komite ang pangangailangang badyet ng DFA para sa tapat at epektibong pagpapatupad nito ng kanilang mandato alang-alang sa mga Pilipino sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Inilarawan niya ang DFA bilang frontliner at katuwang ng bansa sa pagbuo ng bansa.
“It is the mandate of the DFA to protect the welfare and interest of the Philippines and Filipinos in the global community. For this reason, we commend efforts of the DFA in advancing our country’s interest and fostering diplomatic relations with other nations,” aniya.
Binanggit din ni Rep. Violago ang mga bilateral at multilateral na pakikipag-ugnayan ng DFA sa iba't ibang bansa, at pagsisikap nito na buksan ang mga talakayan para sa pakikipagsosyo sa kalakalan at komersyo, gayundin sa seguridad at pagtutulungan ng bawat isa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home