Friday, August 25, 2023

Pinatawan ng “contempt” ng House Committee on Agriculture and Food ang may-ari ng isang cold storage facility dahil sa kabiguang dumalo sa mga hearing kaugnay sa isyu ng overpricing at manipulasyon ng presyo ng sibuyas. 


Sa unang bahagi ng pagdinig --- binanggit ni Cavite Rep. Elipidio Barzaga na may subpoena na laban kay Eric Pabilona ng Tian Long Corporation; at sinasabing shareholder ng Phil Vieva Corporation, na pinangungunahan ng binansagang “Sibuyas Queen” na si Lilia Cruz. 


Pero hindi nagpapakita si Pabilona sa hearings ng Agri panel, at wala ring dokumentong isinusumite sa komite. 


Dahil dito, inirekumenda ni Barzaga na pagpaliwanagin si Pabilona kung bakit siya hindi dapat i-contempt. 


Kinalauna’y kinuwestyon na rin ni SAGIP PL Rep. Rodante Marcoleta ang hindi pagdalo ni Pabilona sa pagdinig ng Agri committee. 


Ani Marcoleta, “open defiance” o malinaw na pagsuway ang ginagawa ng Pabilona, at tila pag-iwas sa paglalabas ng katotohanan. 


Bunsod nito ay nagkaroon ng botohan --- at sa resultang 20 na pabor, pinatawan ng contempt at pinaaaresto si Pabilona. Sa oras na siya ay makita, idedetine siya sa Batasan Pambansa sa loob ng 30-araw. 


Ayon kay Marcoleta, hindi sila makagawa ng committee report dahil walang kooperasyon ang ilang cold storage facilities. At kung patuloy na hindi makikipagtulungan ang iba, marami pa umano silang maipapakulong. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home