PANUKALANG P7.9-B BADYET NG DTI PARA SA TAONG 2024, SINURI NG MGA MAMBABATAS
Sinuri ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang P7.9 bilyong panukalang 2024 badyet ng Department of Trade and Industry (DTI), gayundin ang mga programa at proyekto ng ahensya, lalo na ang proteksyon ng mamimili, pag-unlad ng industriya, at promosyon ng pamumuhunan. Pinangunahan ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang mga opisyal ng DTI sa paghahain ng kanilang panukalang badyet, mga nagawa at mga prayoridad na direksiyon ng kanilang ahensya para sa susunod na taon sa pagdinig na pinangunahan ng Vice Chair ng Komite na si Pangasinan Rep. Christopher de Venecia. Sa pamamagitan ng uri ng alokasyon, 50 porsiyento ng P7.9 bilyong panukalang badyet ng DTI o P3.9 bilyon ang ilalaan para sa maintenance and other operating expenses, 38 porsiyento o P3 bilyon para sa personnel services, at 12 porsiyento o P963 milyon para sa capital outlay. Ang Office of the Secretary (OSEC) ng DTI ay mabibigyan ng P5.3 bilyong alokasyon, habang ang mga sangay na ahensya ng DTI ay makakakuha ng P2.3 bilyon. Ang badyet ng DTI ngayong taon ay P6.5 bilyon. Iniulat ni Sec. Pascual na ang mga pagbisita sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay nakapagbigay sa DTI ng mga positibong pamumuhunan na tinatayang nasa 25 bilyong dolyar noong 2022, at 46 bilyong dolyar ngayong 2023. Itinampok din ni Sec. Pascual ang mga prayoridad ng 2024 panukalang badyet ng DTI, tulad ng 1) pagpapalakas ng kapangyarihan bumili ang mga Pilipino; 2) tiyakin ang maayos na mga pangunahing kaalaman sa makroekonomiko at mapabuti ang kahusayan ng burukrasya; 3) mabawasan ang kahinaan ng loob at maibsan ang hindi magandang epekto ng pandemya na dulot COVID 19; 4) pananaliksik at pag-unlad at pagbabago; 5) pag-unlad ng micro, small at medium enterprises; 6) tiyakin ang seguridad sa pagkain; at 7) itaguyod ang mga pamumuhunan, tiyakin ang seguridad sa enerhiya at dagdagan ang ang trabaho (medium-term). Pinuri ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang DTI, at ipinunto kung paanong umabot sa US46 bilyon ang mga pagluwas, kalakal at serbisyo sa unang semestre lamang ng 2023 kumpara sa US 96 bilyon sa buong taon ng 2022. Binanggit din niya kung paano umabot sa P779 bilyon ang aprubadong pamumuhunan sa unang semestre ng 2023 kumpara sa P870 bilyon sa buong 2022. Ipinunto din ni Rep. Rodriguez ang pagtaas ng mga pagluwas at pamumuhunan sa ilalim ng DTI Exports and Investments Development Program sa piskal na taong 2022-2023. Hinimok ni GABRIELA Rep. Arlene Brosas ang DTI na tiyakin ang pagpapatupad sa polisiyang nagbabawal sa pagtataas ng presyo sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Aniya, may mga ulat na umabot na nasa P46 hanggang P55 kada kilo ang presyo ng bigas sa mga lugar na tinamaan ng bagyo kamakailan. Bilang tugon, sinabi ni DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo na matagal nang binabantayan ng Department of Agriculture ang presyo ng pagkain sa mga lugar na ito, habang tumutulong ang mga rehiyonal at panlalawigang mga tanggapan ng DTI sa pagsusumikap ng DA sa pagbabantay. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home