IMBESTIGASYON SA UMANOY PAG-IIMBAK AT MANIPULASYON SA PRESYO NG SIBUYAS – IPINAGPATULOY NG KOMITE; MAY-ARI NG TIAN LONG KINUSAHAN NG CONTEMPT
Muling ipinagpatuloy ngayong Miyerkules ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang motu propriong imbestigasyon sa hinihinalang pag-iimbak at pagmamanipula sa halaga ng mga produktong agrikultura ng mga negosyante. Ayon kay Committee Chairperson at Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, layon ng Komite na masusing talakayin ang lahat na mga pag-aalala ng publiko at pribadong sektor hinggil sa usapin. Ibinahagi niya na sa ngayon, ipinapakita sa pagsisiyasat na: 1) may malinaw na paglabag sa mandatory accreditation ng mga warehouse para sa mga produktong agrikultura; 2) hindi na kailangan ang pagpapalabas ng Sanitary and Phyto sanitary Import Clearance (SPSIC); at 3) patuloy na aabot sa P140 hanggang P160 kada kilo ang presyo ng sibuyas hanggang Disyembre 2023. Inatasan ng mga mambabatas ang mga may ari ng cold storage na magsumite ng impormasyon sa mga inilalabas sa kanilang mga pasilidad, na ayon kay SAGIP Party list Rep. Rodante Marcoleta ay makatutulong sa pagtukoy sa mga mangangalakal na nag-iimbak. Kinasuhan ng contempt ng Komite ang may ari ng Tian Long Corporation na si Eric Pabilona, dahil sa kanyang pagsuway sa subpoena na humarap siya sa mga miyembro ng Kapulungan. Napag alaman na shareholder si Pabilona ng Phil Vieva Corporation na itinayo ni Lilia Cruz, na pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng sibuyas. Inatasan ni Rep. Enverga ang secretariat ng Komite na ipaalam sa mga Tanggapan ng Speaker at Sergeant at Arms ng Kapulungan na maglalabas ng kautusan para sa pag aresto kay Pabilona at 30 araw na pagkabilanggo. Nakatakdang anyayahan ng Komite ang Bureau of Customs (BOC) sa susunod na pagdinig, upang patunayan ang mga ulat mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) hinggil sa iligal na pagpupuslit ng mga produktong agrikultura. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home