P34.486-B BADYET NG DOJ PARA SA TAONG 2024, SINURI NG KOMITE SA KAPULUNGAN; PLANO NG DOJ KUNG PAPAANO TUGUNAN ANG MGA MAHINANG KASO, INILAHAD
Sinuri ngayong Miyerkules ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang P34.486-bilyong panukalang badyet ng Department of Justice (DOJ), para sa taong 2024, gayundin ang mga nagawa, mga programa at mga proyekto ng ahensya. Pinangunahan ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga opisyal ng DOJ sa paglalahad at pagdepensa ng kanilang P34.486-bilyon panukalang badyet para sa piskal na taong 2024, na mas mataas sa kanilang 2023 badyet na P28.607-bilyon. Sa nasabing halaga, 66.30 porsiyento, o P22.864-bilyon ang ilalaan sa personnel services, 18.28 porsiyento o P6.3-bilyon sa capital outlay, at 15.4 porsiyento o P5.319-bilyon sa maintenance and other operating expenses. Nakita ni Rep. Quimbo ang iminungkahing 21 porsiyentong pagtaas sa badyet ng DOJ na kumakatawan sa “our nation’s renewed and strengthened commitment to ensuring that every Filipino experiences the benefits of a robust justice system,” at idinagdag pa niya na, “It is our hope and expectation that with increased resources, the DOJ will be better equipped to deliver timely and efficient services, furthering our goals of peace, justice and security.” Binigyang-diin ni Komite Vice Chair AKO BICOL Rep. Raul Angelo "Jil" Bongalon, habang binabahagi ang mensahe ni Chairman Co, ang kumplikadong papel na ginagampanan ng DOJ sa pangangalaga sa integridad ng mga digital spaces sa panahon ng walang kapantay na pagsulong ng teknolohiya, kung saan ang mga hangganan ng pagbabago ay itinulak na walang kapantay. Hinimok ni Rep. Co ang DOJ na mamuhunan sa patuloy na pag-unlad ng mga manggagawa nito, na tinitiyak na nagtataglay sila ng kadalubhasaan na kinakailangan upang harapin ang mga umuusbong na pagbabanta. Bilang tugon sa tanong ni 1-RIDER Rep. Bonifacio Bosita tungkol sa mababang bilang ng pagpapakulong ng mga kasong isinampa ng pulisya, sinabi ni Sec. Remulla na sinasanay ng DOJ ang mga pulis at mga piskal sa tamang pag-aayos ng kaso. Dagdag pa dito, “Kinausap na namin ang Chief PNP, mula kay Chief (Rodolfo) Azurin hanggang kay Chief (Benjamin) Acorda, na sana mawala na itong quota system sa mga police,” aniya. Inatasan na rin ni Sec. Remulla ang Public Attorneys Office (PAO) na pag-aralan ang mga mahihinang kaso at ang posibleng pagbawi sa mga nito. ”We will try to talk to the fiscals, (para sa) pag-wiwithdraw ng mga kasong mahihina. Sayang po ang oras, sayang po ung mga nakakulong na hindi dapat nakakulong,” aniya. Pinangunahan ni Komite Vice Chair Rep. Ruel Gonzaga ang pagdinig. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home