Friday, August 25, 2023

PANUKALANG P13.36-B BADYET NG COA PARA SA 2024, SUPORTADO NG MGA MAMBABATAS  

 

Sinuri ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy S. Co ang P13.360 bilyong panukalang badyet para sa Piskal na Taong 2024 ng Commission on Audit (COA).  Inilahad ni COA Assistant Commissioner for Finance Nilda Plaras ang panukalang badyet ng COA, sa ilalim ng national expenditure program ng gobyerno para sa taong 2024, na bumaba ng P42.494 milyon mula sa alokasyon ng COA para sa FY 2023. Sa halagang ito, P12.543 bilyon ang ilalaan sa mga personnel services, P781.971 milyon sa maintenance and other operating expenses (MOOE), at P841.132 milyon sa capital outlays. Bilang pagkilala sa papel ng COA sa pagtiyak ng wastong paggamit ng pampublikong pondo, hinangad ni KABATAAN Rep. Raoul Manuel na dagdagan ang alokasyon ng badyet ng COA, “Yung role niyo po ay sobrang mahalaga para matiyak ang maayos na paggamit ng pera ng bayan," aniya.  Ipinahayag ni Rep. Manuel ang buong suporta ng KABATAAN Party-list para sa pagtaas ng badyet ng COA. "We would really support na mataasan ang budget ng COA, given na maraming mga dapat talagang i-audit pa na mga items sa ating national budget." Sumang-ayon si Deputy Speaker Isidro Ungab at iminungkahi ang pagtatatag ng isang national accounting office — isang ideya na umani ng suporta mula sa namumunong opisyal at Senior Vice Chair ng Komite, Rep. Stella Quimbo ng Marikina City. Kinilala ni Rep. Quimbo ang COA bilang “a custodian of our nation's financial health through its vigilant oversight. we can secure our economic future, fortify our institution and ensure that our resources are utilized for the betterment of all Filipinos." Nagpahayag ng kasiyahan ACT TEACHERS Rep. France Castro sa mga kontribusyon ng COA sa bansa, at sinabing, "Nakikita ko talaga ang performance ng COA. Naglalabas kayo ng performance audit; iyong observation na nakakatulong sa Congress...Tinitingnan nyo kung paano nagagamit [ang funds] ng wasto." Iminungkahi ni Muntinlupa City Rep. Jaime Fresnedi sa COA na magkaroon din ito ng komprehensibong pag-audit sa mga barangay, dahil sa dumaraming bilang ng mga ito, at sa Sangguniang Kabataan (SK), na namamahala din ng malaking badyet at nangangasiwa ng sarili nitong pondo. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home