Friday, August 04, 2023

Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isang “pork barrel free” 2024 National Budget ang maipapasa ng Kamara.


Inihayag niya ito kasabay ng pagtanggap ng Kamara ng isinumiteng 2024 National Expenditure Program o NEP ng Department of Budget and Management o DBM.


Ayon kay Romualdez, titiyakin ng Mababang Kapulungan na ang lahat ng buwis na ibinabayad ng publiko ay maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng gobyerno.


At sa pakikibahagi at kooperasyon ng lahat, kumpiyansa si Romualdez na ang Kamara ay magagawang mahimay, matalakay at mapagtitibay ang panukalang pambansang pondo na walang pork barrel.


Nauna nang sinabi ni Romualdez na bago ang session break sa Oktubre ay ipapasa ng mga kongresista ang General Appropriations Bill o GAB. Habang isasalang ito sa “very transparent manner.”


Kaugnay nito, sinabi ng Speaker na kabilang sa prayoridad ng administrasyong Marcos ay ang agrikultura at seguridad sa pagkain; pagpapababa ng halaga ng transportasyon at enerhiya; kalusugan at social protection; at iba pa.


Bukod dito, binanggit ni Romualdez na suportado rin ng 2024 National Budget ang mga inisyatibo para sa climate change; pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan; at development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home