PBBM ipinaramdam ang dedikasyon na paunlarin ang buhay ng Pinoy sa paglagda ng Trabaho Para sa Bayan Act -Speaker Romualdez
Ang paglagda umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa "Trabaho Para sa Bayan Act" ay pagpapakita ng dedikasyon nito na mapaganda ang kalagayan ng mga Pilipino, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos na saksihan ang paglagda ni Pangulong Marcos sa Republic Act No. 11962 o ang Trabaho Para sa Bayan Act, na maglalatag ng national employment master plan.
"By signing this law into effect, President Ferdinand R. Marcos, Jr. has reaffirmed his dedication to the welfare of every Filipino, regardless of their background or circumstance," ani Romualdez, lider ng 311 na miyembro ng Kamara de Representantes.
“The Trabaho Para sa Bayan (TPB) Act underscores our government's commitment to inclusivity, equity, and progress for all Filipinos. It is a testament to the President's vision that a prosperous and thriving nation can only be built on the foundation of gainful employment and economic stability," dagdag pa nito.
Ang bagong batas ay mula sa Senate Bill No. 2035, na napagtibay nitong Mayo at House Bill No. 8400 na inaprubahan noong Agosto.
Nilalayon ng RA 11962 na bumuo ng isang job-creation plan para sa loob ng tatlo, anim at sampung taon para umagapay sa post-pandemic recovery ng bansa. Magsisilbi itong master plan ng estado para makalikha ng trabaho para matupad ang short at long term goals ng bansa.
Itatatag nito ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council na siyang babalangkas ng panuntunan, key performance indicators, at hakbang para maisakatuparan ang TBP Plan.
Ayon kay Romualdez ang multi-faceted approach ng bagong batas para makalikha ng trabaho ay titiyak sa matatag at mabilis na pagbangon ng bansa. Babantayan din umano ng Kamara ang tamang pagpapatupad ng batas.
"We will actively work to implement strategies and initiatives aimed at fostering employment growth across various sectors of our economy," aniya.
Hinikayat din niya ang mga stakeholder na magtulungan upang maisakatuparan ang TBP Act.
"Together, we can realize the vision of a nation where job opportunities abound, where families are secure, and where the Filipino spirit of resilience and determination shines ever brighter. The Trabaho Para sa Bayan Act is a symbol of hope and progress, and it is now our collective responsibility to turn this vision into reality," ani Romualdez
Kasama rin sa panukala ang pagbibigay ng insentibo upang makahikayat ng mga kompanya na lilikha ng mga mapapasukang trabaho at magbibigay ng dagdag na kasanayan sa mga indibidwal upang tumaas ang tyansa ng mga ito na makapasok ng trabaho.
Bibigyan din ng insentibo ang mga magbibigay ng training, technology, knowledge transfer, upskilling, reskilling, at enterprise-based training programs gaya ng apprenticeship, work immersion, at on-the-job training.
Tutukuyin din ang mga pangunahin at papausbong na sektor upang mapunan ang mga empleyadong kailangan ng mga ito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home