Pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon muling iginiit ni Speaker Romualdez para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa
Muling iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na maamyendahan ang mga luma at istriktong probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Constitution upang mahikayat ang mas maraming mamumuhunan sa bansa na makalilikha ng dagdag na mapapasukang trabaho at pagkakakitaan para sa mga Pilipino na magreresulta sa pag-unlad ng bansa.
Sa kaniyang mensahe sa ginanap na Philippine Constitution Association (Philconsa) Day at Senate Night sa Fairmont Raffles Hotel Ballroom, Makati City, sinabi ni Romualdez na ang amyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas ay magdudulot ng pagbabago sa kinabukasan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ang naturang event ay magkatuwang na inorganisa ng Manila Overseas Press Club (MOPC) at Philconsa.
“In summary, our Constitution, as noble and well-intentioned as it is, has elements that are no longer adaptive to our needs,” sabi ni Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na may 311 mambabatas.
Kasama sa nais na maamyendahan ni Speaker Romualdez ang Article XII, Section 10, o ang 60-40% ownership pabor sa mga Pilipino pagdating sa pagpapaunlad ng natural resources; Article XVI, Section 11, limitasyon sa pagmamay-ari ng mass media na ekslusibo lamang sa mga Filipino citizens lamang; at Article XII, Section 11, o yung limitasyon sa foreign ownership ng mga lupain.
“Amending these provisions isn't just a matter of law—it's about transforming the opportunities available to every Filipino. It's about catalyzing a new era of prosperity, characterized by more robust economic growth, technological advancement, job creation, and ultimately, a better quality of life for each and every citizen,” ani Romualdez.
Bagamat ang naturang mga probisyon ay nagpapakita ng pagkamakabayan, nagdudulot naman umano ang mga ito ng hindi inaasahang negatibong epekto gaya ng limitasyon sa trabaho na maaaring mapasukan.
“Countries like Vietnam and Indonesia have been welcoming foreign direct investments with open arms and reaping substantial benefits, mainly through job creation. We, on the other hand, have missed out on these opportunities due to our stringent regulations,” ani Speaker Romualdez
Ayon sa World Bank, sinabi ni Speaker Romualdez na ang paglago ng ating FDI net inflows ay nasa 3.9% lamang noong 2010 hanggang 2019, kumpara sa Vietnam na nasa 7.6% at Indonesia na may 9.4%.
Batay sa World Economic Forum's Global Competitiveness Report noong 2019, ang Pilipinas ay pang 64 lamang sa 141 na mga bansa.
“These aren't just numbers; they are indicators of lost opportunities,” anang House Speaker.
Dahil sa limitadong pasok ng FDI, nalilimitahan din umano ang pagpasok ng kapital na kailangan para sa pangkabuuang kaunlaran ng bansa at inilalagay ang Pilipinas sa hulihan ng listahan sa pagiging kaakit-akit sa mga mamumuhunan sa larangan ng teknolohiya at research and development.
“Fewer players in the market mean less competition, leading to higher prices for ordinary consumers. This affects everything from the food on our table to the quality of the internet we use,” sabi ng lider ng Kamara.
“As a nation, we can ill afford to be prisoners of the past; we must be architects of our future. The call for change is both loud and clear, and the time to act is now. With your support, your advocacy, and your belief in a brighter tomorrow, we can take this monumental step forward,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Bagamat pinoprotektahan ng Konstitusyon ang demokrasya at soberanya ng bansa ay sandigan naman ng epektibong pamamahala ang adaptability o kakayanan makasabay sa mga pagbabago.
Sinimulan na aniya ng Kamara de Representantes ang hakbang sa pamamagitan ng pagpapasa ng Resolution of Both Houses 6 (RBH 6) at House Bill 7352 noong Marso.
Layon ng RBH 6 na magpatawag ng constitutional convention para maghain ng amyenda o pagbabago sa 1987 Constitution habang ang HB 7325 ang naglalatag ng detalye sa kung paano ito isasagawa kasama kung sino ang magiging miyembro at delegado nito.
Dapat ay isasabay ang paghalan sa mga delegado sa paparating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre ngunit hindi na ito mangyayari dahil sa hindi pa napapagtibay ng Senado ang bersyon nila ng panukala.
Itinulak aniya ng mga mambabatas ang constitutional convention dahil mabibigyang pagkakataon ang mas malalimang pagsuri ng probisyon ng Konstitusyon at dahil sa may sapat itong representasyon mula sa lahat ng sektor ng lipunan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home