Friday, September 29, 2023

Confidential, intel funds aalisin sa mga ahensyang hindi seguridad ng bansa ang pangunahing mandato



Nagdesisyon ang liderato ng Kamara de Representantes na ilipat ang confidential at intelligence fund sa ilalim ng panukalang 2024 budget na nasa mga ahensya at departamento na walang direktang kinalaman sa pagbibigay ng proteksyon at kaligtasan ng bansa.


Ang maiipong pondo ay ililipat umano upang madagdagan ang budget ng mga security agency upang tugunan ang umiinit na tensyon sa West Philippine Sea.


Malaking bahagi umano ng malilikom na pondo ang ililipat sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Council (NSC).


Ang NICA ang pangunahing intelligence collector ng pambansang pamahalaan na namamahala, nag-uugnay, at nagsasama-sama ng lahat ng intelligence activity, sa bansa man o abroad na may kaugnayan sa seguridad ng bansa.


Ang NSC naman ang pangunahing advisory body para sa maayos na koordinasyon at pagsasama-sama ng mga plano at polisiya na nakakaapekto sa seguridad ng bansa.


Bukod sa NICA at NSC, nagdesisyon din ang liderato ng Kamara na dagdagan ang pondo ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang palakasin ang kanilang kapasidad at kakayanan sa pagbabantay sa West Philippine Sea.


Isang desisyon na gamitin ang CIF sa ibang kailangang pagkagastusan ay sinegundahan ng magkasamang pahayag ng iba’t ibang partido politikal sa Kamara.


Ang joint statement ay nilagdaan nina Rizal 1st District Rep. Michael John R. Duavit, pangulo ng Nationalist People's Coalition; Agusan del Norte 1st District Rep. Jose "Joboy" S. Aquino II, secretary general ng Lakas-Christian Muslim Democrats; Romblon Rep Eleandro Jesus "Budoy" Madrona ng Nacionalista Party; Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny T. Pimentel, vice president for Mindanao ng PDP-Laban; Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, pangulo ng National Unity Party; at Barangay Health & Wellness (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co, na kumatawan sa Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI).


Nagsama-sama ang iba’t ibang partido pulitikal na ilipat ang pondo matapos ang mga nangyari sa Scarborough Shoal at iba pang bahagi ng West Philippine Sea.


“We have decided to reallocate — as part of the budget process — confidential and intelligence funds  to other agencies chiefly responsible for intelligence and surveillance such as the National Intelligence Coordinating Agency, National Security Council, PCG, and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,” sabi sa pahayag.


“Recognizing the rising security threats in the West Philippine Sea and the need to secure top officials, these agencies are better positioned to counteract security threats, protect our territorial waters, and secure the rights and access of Filipino fishermen to traditional fishing grounds,” sabi pa ng pahayag.


Ayon pa sa pahayag, mahalaga umano na masiguro na ang paggamit ng limitadong pondo ay nakalinya sa prayoridad ng gobyerno at pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.


“In conclusion, this united stance is a testament to our commitment to uphold the principles of democracy, prioritize the needs of the Filipino people, and ensure the prudent and rational use of the nation's resources,” sabi pa sa pinag-isang pahayag. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home