Friday, September 29, 2023

Inaapura na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagpapasya ukol sa mga “reclamation project” sa Manila Bay, na maaalalang pansamantalang sinuspinde ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.


Sa debate sa plenaryo ng Kamara para sa panukalang 2024 budget ng DENR --- tinanong ni Gabriela PL Rep. Arlene Brosas kung magbababa ba ng malinaw na “suspension guidelines” hinggil sa mga reclamation project.


Magda-dalawang buwan na aniya mula noong naglabas ng “verbal order” ni Pres. Marcos Jr. pero hanggang ngayon ay walang malinaw na patakaran.


Ayon kay Palawan Rep. Jose Alvarez, sponsor ng DENR budget --- kaya naman sinuspinde ang mga proyekto dahil sa mga hiling na busisiin ang mga permit o kung sumunod ba sa “rules and regulations.” Ang DENR naman aniya ang nagbigay ng Environmental Compliance Certificate o ECC.


Binanggit pa ni Alvarez ang ilang reklamo na dahil sa mga proyekto, hindi na makikita ang “sunset” na hindi naman environmental issue.


Pag-amin ni Alvarez, wala pang guidelines. Ngunit ang pag-aaral ng DENR ay nagpapatuloy pa, kasama ang Philippine Reclamation Authority o PRA at iba pang stakeholders.


Giit niya, hindi naman nagpapabaya ang DENR at sa katunayan ay inaapura nila ang aksyon dahil nag-aapura na rin ang mga investor.


Dagdag ni Alvarez, nakikipag-dayalogo rin ang DENR sa mga nagrereklamo o apektadong residente o komunidad sa Manila Bay. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home