Inihain ni AGRI PL Rep. Wilbert Lee ang kanyang House Bill 9011 na layong magtayo ng “fishing shelters” at mga pantalan sa siyam na “maritime features” ng West Philippine Sea at Philippine Rise.
Sa explanatory note, nilinaw na ang panukala ay hindi nag-uudyok ng giyera sa West PH Sea. Sa halip, layon nito na protektahan at ipaglaban ang kabuhayan, kapakanan at karapatan ng ating mga kababayan lalo na ng mga mangingisda.
Punto pa ni Lee, maraming mangingisda ang hindi makapangisda sa West PH Sea dahil sa presensya at patuloy na pangha-harass ng mga Chinese vessel.
Kapag naging ganap na batas --- sinabi ni Lee na ang mga pantalan at fishing shelter o istruktura na magbibigay-proteksyon sa mga sasakyang-pandagat ng mga mangingisda ay itatayo sa mga sumusunod:
- Ayungin Shoal
- Lawak Island
- Kota Island
- Likas Island
- Pag-asa Island
- Parola Island
- Panata Island
- Patag Island
- Rizal Reef
Gayundin sa Philippine Reef, na sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone o EEZ.
Sa pagtatayo ng mga naturang pasilidad, magkakaroon ng “safe spot” ang mga mangingisda mula sa foreign militia o hindi inaasahang pangyayari; pwede ring magpahinga rito o mag-imbak ng mga gamit o supplies; at magkaroon ng “access” sa communication devices.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home