Thursday, September 14, 2023

Mga magsasaka lalong mababaon kung tatanggalin ng DOF ang taripa sa bigas…


Tuluyang papatay sa local rice industry ang panukala ng Department of Finance na pansamantalang ipatupad ang zero tariff sa bigas para umano mapigilan ang lalo pang pagtaas ng presyo ng bigas.


Ayon kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas, lalong mababaon ang rice farmers kung tatanggalin ang taripa sa bigas lalo na ngayon papasok na ang harvest season.


Sabi ni Brosas, hindi pa nakababangon ang mga magsasaka mula nang maipasa ang Rice Liberalization Law at lalong malulugmok sa mas maluwag na pagpasok ng rice imports.


Giit ni Brosas, ang malalaking rice importers lang ang nakinabang sa Rice Liberalization Law.


Kung masusunod anya ang proposal ng DOF, dadagsa ang maraming imported rice at ang mabebenepisyuhan ang mga rice cartel.


Dagdag ni Brosas, pansamantala ang benepisyo ng price ceiling sa bigas at hindi rin solusyon ang pag-aalis ng taripa.


Ang posibleng makatutulong anya ay ang pagbasura sa Rice Liberalization 

Law at ibalik sa National Food Authority na direktang mamili ng sapat na dami ng palay sa mga magsasaka. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home