Thursday, September 14, 2023

Kinuwestyon ni Surigao Del Norte Representative Ace Barbers ang matipid na paggasta ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa confidential funds nito upang pigilan ang illegal gambling activities sa bansa.


Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa proposed budget ng PCSO sa susunod na taon, kinumpirma ni Assistant General Manager Lauro Patiag na 100 million pesos ang kanilang confidential funds sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.


Ikinadismaya ni Barbers na 25 million pesos pa lamang ang nagagastos ng PCSO ngayong taon para sa surveillance ng mga ilegal na operasyon ng jueteng at "bookies".


Pagsisiwalat ng ahensya, talamak pa rin ang ilegal na sugal sa iba't ibang mga probinsya na gumagamit sa Lotto at Small Town Lottery para gumawa ng sariling number's game.


Pero depensa ni Patiag, wala silang police power para hulihin ang mga sangkot sa jueteng at bookies at ang magagawa nila ay makipag-ugnayan sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation.


At dahil hindi makasagot ang mga opisyal kung paano ginastos ang confidential fund at tanging ang Office of the General Manager ang nakakaalam, pinagsusumite na lamang sila ng komite ng written report ukol dito. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home