PAGPAPAHUSAY NG POLISIYA SA PAGBIBIGAY NG INSENTIBO SA PAGBABAYAD NG BUWIS SA PILIPINAS, HINILING
Dininig ngayong Martes ng Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang House Bill 8968, na naglalayong pahusayin ang polisiya at administrasyon sa pagbibigay ng insentibo sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Rep. Salceda, punong may-akda ng panukalang batas, na ang panukala ay magpapagaan sa pagsunod sa pagbubuwis sa pamamagitan ng: 1) pagbabayad ng mga lokal na buwis sa pamamagitan ng mga ahensya na nagsusulong ng pamumuhunan; 2) pagsasama-sama ng alituntunin sa pagbabalik ng halaga ng idinagdag na buwis sa Commission on Audit, upang maiwasan ang mga hindi pagpapahintulot; at 3) paghahain, pagbabayad, at pagsasauli ng mga ibinayad sa pamamagitan ng mga rehistradong negosyo na nagbibigay ng serbisyo sa nagbabayad ng buwis.
Ang ilan sa mga probisyon sa ilalim ng substitute bill sa HB 8958 na kamakailan ay inaprubahan ay kinabibilangan ng: 1) paglalagay ng pariralang “options to buy and sell shares of stock” sa kahulugan ng "shares of stock," 2) pagbabawas ng dibidendo sa buwis sa mga ng dayuhan mula 25 porsyento hanggang 15 porsyento, at 3) pagbaba ng buwis sa mga napanalunan sa Philippine Charity Sweepstakes at lotto at ang buwis sa documentary stamp sa halaga ng tiket sa pagtaya sa lotto at pagtaya sa karera ng kabayo mula 20 porsyento hanggang 10 porsyento.
Ayon kay Rep. Salceda, ang panukala ay nakabatay sa mga benepisyo ng Republic Act 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, na binigyang-katwiran ang pagbibigay ng mga insentibo sa pananalapi. Idinagdag pa ni Rep. Salceda na ang panukala ay magbibigay din ng kapangyarihan sa Pangulo na motu proprio o sa rekomendasyon ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB), magbibigay ng naaangkop na suportang pinansiyal o mga insentibo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home